Carmina Villarroel, Zoren Legaspi firm in shielding their twins from social media hazards

IMAGE Noel Orsal

Carmina Villarroel and Zoren Legaspi will support their twins, Mavy and Cassy, if they want an acting career. But not yet. "Sa ngayon importante pa rin ang pag-aaral," says Zoren.


Iginiit ni Carmina Villarroel na walang Twitter accounts ang kambal na anak niyang sina Mavy at Cassy

Ito ay kaugnay sa mga poser o fake accounts na ginagamit ang identity ng celebrities para sa mga negatibong posting nila.

Sabi ni Carmina, “Actually, si Maverick, nagpakita sa akin, ‘Mom, look, somebody made an account and it’s not me.’”

Kaya lalo raw silang naghigpit ng asawang si Zoren Legaspi sa pagbabawal sa kanilang kambal na gumawa ng Twitter account.

Ani Carmina, “They are not allowed, kung mayroon man, Facebook, pero naka-private for their school.

“Kasi dun sila nag-uusap mag-classmates, mga teachers, ganyan.

“Sa Instagram naman, naka-private din kasi hindi naman sila artista.

“Kina-clarify ko lang kasi baka mamaya may i-post dun na hindi naman ano.

“Gusto ko lang na aware ang mga tao na walang Twitter account ang mga anak ko…

“Kahit si Zoren, wala ding Twitter account.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News sina Carmina at Zoren sa presscon ng Till I Met You noong Linggo, August 28, sa Le Reve Events Place.

SHOWBIZ ASPIRATION. Papayagan na ba nina Carmina at Zoren ang kanilang twins na pumasok na rin sa pag-aartista?

Visible naman na ang mga bata sa ilang Kapamilya shows, gaya ng ASAP, at sa TV commercials.

Sabi ni Carmina, “Siguro sa ngayon, yung commercials muna, pa-guesting-guesting sa ASAP.

“Kasi nag-aaral pa sila, e.

“Maybe pag tapos na sila sa pag-aaral nila and they really wanna to pursue [acting], let’s see.”

Para naman kay Zoren, buo ang suporta niya sa mga anak kung magdesisyon ang mga itong pumasok na rin sa showbiz.

Aniya, “Basta they’re in it for passion, why not?

“Dapat … may preparation ‘yan, di puwedeng sinasabak mo lang.

“Pero sa ngayon, importante pa rin ang pag-aaral.”

TEEN CRUSHES. Samantala, naging vocal noon ang young singer na si Darren Espanto na crush niya si Cassy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Papayagan na ba nina Carmina at Zoren kung saka-sakaling may manligaw sa anak?

Sagot ni Carmina, “Actually, sa ngayon, si Darren lang naman dati ang naging vocal.

“Pero nothing naman serious, mga bata pa sila. Wala pa naman talagang nanliligaw, wala pa.

“Fifteen, huwag muna, enjoy muna nila yung ganyan, friends muna sila.

“Saka close din sila ng anak kong lalaki, pag nagge-guest sila sa ASAP, kita mong friends lang, barkada.

“Dun na lang muna, wala namang problema… lagi ko namang sinasabi na mabait na bata si Darren.

“Nakilala ko rin ang mga magulang.”

Dugtong ni Zoren, “Magbabarkada sila, pag nagkikita sila, kuwentong bata pa rin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN