Julie Anne San Jose on Benjamin Alves: "He came at the right time in my life."

IMAGE Noel Orsal

Julie Anne San Jose on suitor Benjamin Alves: "Masaya lang ako because Benj is a nice and interesting person. Importante sa akin ay gusto siya ng parents ko. They like him right away kasi hindi lang daw siya guwapo kundi mabait at edukado pa."


Kapansin-pansin ang ibang ngiti ni Julie Anne San Jose kapag natatanong tungkol sa nababalitang manliligaw niyang si Benjamin Alves.

Inamin ni Julie Anne na ilang beses na rin silang nagde-date ng Kapuso hunk at habang tumatagal ay marami siyang nadidiskubre rito.

Lahad niya, “We have many things in common pala.

“Una, mahilig siyang mag-compose ng poems.

“Ako kasi, noon pa ako mahilig sa ganyan. Kaya nakakatuwang isipin na there’s somebody out there pala na nakakahiligan ang pag-compose ng poems.

“Tapos mahilig din po siya sa music. Pareho ang mga gusto naming singers.

“We really jive and we can talk about anything.

“It’s nice lang to be with somebody na nakakausap mo sa iba’t ibang bagay.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Julie Anne sa presscon ng Sunday Pinasaya first anniversary noong nakaraang linggo.

HER PARENTS’ BLESSING. May blessing na raw ng parents ni Julie Anne ang panliligaw ni Benjamin sa kanya.

Natupad naman daw kasi nito ang promise niyang magtatapos siya ng pag-aaral bago tumanggap ng manliligaw.

“Yun naman ang naging usapan namin ng parents ko.

“Kapag naka-graduate na ako from college, then puwede na akong mag-decide na tumanggap ng suitors.

“It just so happens na dumating nga si Benjamin. Parang he came at the right time in my life.

“Masaya lang ako because Benj is a nice and interesting person.

“Importante sa akin ay gusto siya ng parents ko.

“They like him right away kasi hindi lang daw siya guwapo kundi mabait at edukado pa.”

BENJAMIN’S EYES. Kung ang iba ay ang magandang pangangatawan ni Benjamin ang napapansin, iba naman daw ang napapansin ni Julie Anne sa manliligaw.

Aniya, “Una kong napansin kay Benj ay ang mga mata niya.

“Kasi sabi nga nila, the eyes are the windows of our soul, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sa mata mo makikita yung pagiging genuine ng isang tao.

“Madali mong nakikita ang nararamdaman ng tao through the eyes.

“Kaya para sa akin, very expressive ang mga mata niya.”

Hindi ba niya napapansin ang mga abs ni Benjamin?

Natatawang sagot ni Julie Anne, “Hindi ko naman po napapansin ang mga abs ni Benj, kasi nakadamit naman siya kapag lumalabas kami!

“Unless shirtless siya kapag magkasama kami, mapapansin ko.

“Pero fully-clothed naman siya kaya doon lang ako sa mga mata niya nakatingin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN