Pokwang opens up about her sex life with boyfriend Lee O'Brian

IMAGE Noel Orsal

Pokwang on having baby with American boyfriend Lee O'Brian: "Siyempre ako, natatakot na rin ako dahil sa edad ko. Forty-four na ako. Kung bibigyan, tatanggapin namin… Yun naman ang usapan namin, kung bibigyan, papasalamat kami... go!"


Hindi ikinahihiyang aminin at ibahagi ni Pokwang ang romantic moments nila ng kasintahang si Lee O’Brian ngayong mag-iisang taon na silang nagsasama sa iisang bubong.

Sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Pokwang sa presscon ng bagong primetime series ng ABS-CBN na Till I Met You, noong Linggo, August 28, sinabi nitong nasa mainit na mga sandali ang pagmamahalan nila ngayon ni Lee.

Sagot niya sa tanong kung sino ang mas madalas magyaya, “Pareho.”

Ayon kay Pokwang, natural naman yun sa mag-partner lalo’t laging magkatabi sa kama.

Ilang beses silang naglalambingan ni Lee?

Tugon niya, “Tatlong beses sa isang linggo.

“Siyempre, lubus-lubusin na natin bilang pitong taon din naman akong nabakante.”

HAVING A BABY. Sa usapin naman ng pagkakaroon ng sariling anak, wala pang masabing kasiguraduhan ang Kapamilya star.

Aniya, “Tingnan natin... may pressure cooker [pressure] na naman tayo sa pagbi-baby na ‘yan, e.

“Siyempre ako, natatakot na rin ako dahil sa edad ko. Forty-four na ako.

“Kung bibigyan, tatanggapin namin…

“Yun naman ang usapan namin, kung bibigyan, papasalamat kami... go!”

Nilinaw ni Pokwang na walang kinalaman ang pagiging abala niya sa trabaho sa walang kasiguraduhan ng pagkakaroon nila ng anak ni Lee.

Sambit pa niya, “Hindi. Kung mabigyan, mabigyan.”

Darating ba siya sa puntong sasalang sa isang clinical process, gaya ng in vitro fertilization, para lang makabuo ng baby?

Sagot ni Pokwang, “Ganun? Parang mahirap na rin sa edad ko, e... tingnan natin. “

POKWANG'S DAUGHTER. Pagdating naman sa anak niyang si Mae, wala raw problema si Pokwang sa pakikitungo nito kay Lee.

“Ay, nagkakasundo sila sa pagkain.

“Kasi alam mo naman ang anak ko, mahilig ring magluto. Nagkakasundo.

“Basta, may mga bagay akong nakikita sa kanilang dalawa na, ‘Uy, swak sila doon.’

“Masaya, e. Alam mo naman yung kuwento ng buhay ko at kung gaano rin ako katagal na naghintay.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano nabago ang buhay niya nang dumating si Lee?

Ayon kay Pokwang, “Noon kasi, ang anak ko lang ang sumbungan ko.

“Ngayon, siyempre nahihiya na ako sa anak ko na… eto, may nagpu-push na, ‘Kaya mo ‘yan, babe. Sige lang, babe.’”

Aprubado raw ng anak niyang si Mae si Lee para sa kanya.

“Nakita kasi ng anak ko yung sincerity ni Lee.

“Alam ko yung anak ko, hindi man kumikibo ‘yan pero... supladita kasi ‘yan, e, pag-ano. Siyempre, alam mo, nag-iisa.

“Pero nakikita niya na kapag nag-e-enjoy kami ni Lee, dyumu-join siya.

“Nagsa-suggest siya kung ano ang dapat kainin since nagda-diet nga yung isa, nagbibigay rin ng suggestion bilang culinary yung anak ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN