Kathryn Bernardo on relationship with Daniel Padilla: "Eto yung happiest stage."

IMAGE Jerry Uy

Daniel Padilla on smooth-sailing relationship with Kathryn Bernardo: "Masaya kami ngayon. Wala kaming kaproble-problema ngayon. Basta okay kami, okay lahat."


Mas bukas na sina Daniel Padilla, 21, at Kathryn Bernardo, 20, sa pagsasabi kung ano ang estado ng relasyon nila ngayon.

Pahayag ng Kapamilya actor, “Exclusive na kami. Wala nang puwedeng dumagdag nang isa pa dun.”

Wala na raw silang mahihiling pa sa ganda ng takbo ng kanilang samahan.

Paglalarawan naman ni Kathryn sa espesyal na pagtitinginan nila ni Daniel, “Eto yung happiest stage. Talagang ini-enjoy namin every day.”

Tila patunay nito ang sweet moments sa pagitan ng reel and real-life sweetheart na namataan sa nakaraang The PEP List Year 3.

LOOK: Daniel Padilla, Kathryn Bernardo sweet moments spotted at PEP List Year 3

STRONGER RELATIONSHIP. Sa loob ng limang taong magkasama sila on and off screen, wala na raw maitatago pa si Kathryn kay Daniel.

Paliwanag ng Kapamilya actress, “Dun kami sa level na… Sa first year yung getting to know [each other].

“And then, second year, malalaman niyo na kung anong differences niyo.

“Dadating na diyan yung kung ia-accept ninyo o magka-clash kayo.

“Ngayon, nandun kami sa tinanggap na talaga namin yung isa’t isa.”

Buo raw ang tiwala ng Kapamilya Teen Queen sa binata.

“Next to my mom, si DJ yung taong pinakakilala na talaga ako.

“Pag nandiyan siya, kaya ko talaga maging kung sino ako, at alam ko na tatanggapin niya yun.

“Kasi sa ilang taon na yun, mas nakilala na niya ako.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pangf miyembro ng press sina Kathryn at Daniel sa press conference ng upcoming movie nila na Barcelona, ngayong Martes, August 30, sa Dolphy Theater ng ABS-CBN.

Ayon naman kay Daniel, hindi sila nagpapaapekto ni Kathryn kung mayroon man silang kinahaharap na problema.

“Di ba, ngayon lagi kaming pagod, lagi kaming stressed… Nandun kami sa stage na basta pag-uusapan namin yung sitwasyon, and then kaming dalawa, okey na kami.

“Basta isipin lang namin, 'Para saan ba itong ginagawa nating dalawa? Para kanino ba 'to? And ano bang gusto nating gawin?' Laging nandun lang kami…”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bahagya pang napaisip si Daniel at napangiti habang inilalarawan ang mas matibay na pundasyon nila ni Kathryn ngayon

“Kasi iniisip ko yung sasabihin ko, yung nararamdaman ko.

“Masaya kami ngayon. Wala kaming kaproble-problema ngayon.

“Basta okay kami, okay lahat.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN