Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Did Ryan Agoncillo buy a new house in Las Vegas for wife Judy Ann Santos?

by Nerisa Almo
Aug 30, 2016
"This is your new home," Ryan Agoncillo tells his wife Judy Ann Santos as he shows her a new house in Las Vegas, Nevada.

Maraming followers ng mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo ang kinilig dahil sa video na ipinost ng huli sa kanyang Instagram account.

Sa video ay mapapanood kung gaano ka-excited si Ryan na ipakita kay Judy Ann ang isang magarang bahay.

Bago buhatin papasok sa loob ng naturang bahay, sinabi ni Ryan: “Welcome to your new [home].”

Pagkapasok ay hinalikan ni Judy Ann si Ryan, na nagsabi naman sa misis na: “This is your new home! Yahoo!”

Walang ibang paglalarawan si Ryan sa naturang video kundi ang caption lamang niyang “I love you Judy Anne.”

i love you judy anne???? #dirtyvegas

A video posted by Ryan Agoncillo (@ryan_agoncillo) on

Base sa Instagram post ni Judy Ann, silang mag-asawa lamang ang nagtungo sa Las Vegas, Nevada para makita ang bagong bahay.

I can fit mom!! Can i come?? ???????? oh.. Lucho my love.. ????

A photo posted by Judy Ann Santos-Agoncillo (@officialjuday) on

Sa katunayan, sa kanilang pag-alis patungong Las Vegas, nakita pa nila sa airport ang mag-asawang sina Gladys Reyes at Christopher Roxas na patungo naman sa San Francisco, California.

Sa larawan nilang apat, nagbiro pa si Gladys ng “Good luck to baby no.4.”

Continue reading below ↓

Sinubukan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na alamin ang tungkol sa ipinakita ni Ryan na bahay sa Las Vegas, sa pamamagitan ng kanyang manager na si Noel Ferer, subalit wala pa itong sagot hanggang ngayon.

Continue reading below ↓
Recommended Videos
Read Next
Read More Stories About
Ryan Agoncillo, Judy Ann Santos
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"This is your new home," Ryan Agoncillo tells his wife Judy Ann Santos as he shows her a new house in Las Vegas, Nevada.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results