Jennylyn Mercado on Luis-Jessy rumored relationship: "Personal na nila yun, wala akong kinalaman."

IMAGE Noel Orsal

Hindi naman daw nagkailangan sina Jennylyn Mercado at Jessy Mendiola tuwing nagkikita sila sa mga events ng kanilang ini-endorsong produkto. Pero ayon kay Jennylyn, hindi pa talaga sila nagkakausap dahil wala raw oras.


Madalas daw nakikita ng Kapuso actress-TV host na si Jennylyn Mercado ang Kapamilya actress na si Jessy Mendiola dahil pareho silang endorsers ng isang lingerie brand.

Si Jessy ang nauugnay ngayon sa ex-boyfriend ni Jennylyn na si Luis Manzano.

Ayon sa Ultimate Star, “Lagi… palagi kaming nagkikita sa mga events [ng Avon], even sa mga event ng Tanduay.”

Pero hindi naman daw sila nagkakausap talaga dahil gahol sa oras.

Nagkakailangan ba sila?

Tugon ni Jennylyn, “Wala. Bakit naman magkakaroon? Anong meron?

“Matagal na naman kaming laging nagkasama. Every event ng Avon.”

Pero iba kasi ngayong may relasyon na raw si Jessy kay Luis?

Ayon naman sa Kapuso star, “Nagkita na rin kami kahit na [may ganung balita].”

Masasabi bang boto siya kay Jessy para sa dating nobyo?

Sagot ni Jennylyn, “Wala naman akong karapatan na magsabi ng kahit ano.

“I think, ano, personal na nila yun, wala akong kinalaman.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang miyembro ng media si Jennylyn sa grand presscon ng Superstar Duets sa 17th floor ng GMA Network Center, kaninang tanghali, August 30.

SUPERSTAR DUETS. Simula September 3, magsisimula na ang Superstar Duets, ang bagong celebrity singing competition ng Kapuso network.

Si Jennylyn ang napili ng istasyon na mag-host dito.

Aminado si Jennylyn na kinakabahan siya dahil solo lang siya as host dito hindi katulad ng StarStruck kung saan segment host lang siya.

Saad niya, “Kinabahan ako dito kasi ano, e, hindi naman talaga ako naghu-host, di ba?

“Pero binigyan nila ako ng tiwala para mabuo at i-handle ang show.

"So, nag-workshop kami, kailangan kong mag-workshop ng hosting.

“Inaalalayan naman nila ako para maging kumportable ako.”

Kabilang sa mga tatayong judge ay sina Allan K, Aicelle Santos, at Christian Bautista.

Ang mga celebrity contestants naman ay sina Mike ‘Pekto’ Nacua, Joross Gamboa, Jerald Napoles, Rita Daniella, Denise Barbacena, Nar Cabico, Divine Grace, at Osang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaabang-abang daw ang mga episode ng show dahil bukod sa may kantahan, mayroon ding comedy ang palabas.

May matatanggal din sa mga susunod na episode depende sa makukuha nilang stars mula sa mga hurado.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN