Iya Villania on giving birth to Baby Antonio Primo: "Sobrang sulit lahat ng paghihirap."

IMAGE Screengrab from 24 Oras

"Ang hirap pala manganak. Kahit naka epidural. Ang hirap, pero sobrang sarap paglabas ni Baby!" said Iya Villania in a live phone patch on 24 Oras, Tuesday night, August 30.


Puno ng kaligayahang ibinahagi ni Iya Villania ang karanasan niya sa pagsilang kay Baby Antonio Primo, ang unang anak nila ng mister na si Drew Arellano.

Pahayag ni Iya sa live phone patch ng 24 Oras ngayong gabi, Agosto 30, “Ang hirap pala manganak!

“Kahit naka-epidural [anaesthesia]. Ang hirap, pero sobrang sarap paglabas ni Baby.”


Ayon sa ulat, kahapon pa lang ay nagtungo na ng ospital si Iya matapos makaramdam ng paghilab ng tiyan.

Umuwi pa raw ulit sila ng bahay sa pag-aakalang ito ay false alarm lamang.

September 4 pa raw kasi inaasahan ang due date ni Iya.

Ngunit bandang 5 A.M. kanina ay bumalik sila sa ospital nang magsimula nang mag-labor ang Kapuso TV host-actress.


Tumagal daw ng anim na oras ang contractions ni Iya.

At eksaktong 12:06 P.M. nang isilang niya si Baby Antonio Primo na may bigat na 2.9 kilos 0 6.4 lbs.

“Sobrang sulit lahat ng paghihirap,” muling saad ni Iya, na nagbahagi pa ng wacky family picture nila nina Drew at Baby Antonio Primo.

Nasa tabi raw ni Iya ang kanyang ina at mister na si Drew noong siya ay nagle-labor.


Si Drew ang unang nagbahagi ng larawan ng anak nila ni Iya sa pamamagitan ng Instagram post.

Read Iya Villania, Drew Arellano welcome their first child


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN