Devon Seron gets emotional after signing a contract with Regal; admits crush on James Reid

IMAGE Noel Orsal

Devon Seron on signing a contract with Regal Entertainment, Inc.: "Very thankful po talaga ako. First time ko nagtrabaho sa Regal. Tina-try ko na ikalma ang sarili ko. Ibubuhos ko na lang po ito sa movie. Naiiyak ako sa tuwa."


Dahil sa sobrang kaligayahan, napaiyak si Devon Seron matapos pumirma ng kontrata sa Regal Entertainment, Inc., kahapon, August 30.

Hindi raw kasi siya makapaniwala na ‘Millennial Regal Baby’ na siya.

Ikinagulat din niya ang pahayag ni Regal Entertainment Inc. producer Roselle Monteverde na magbibida na siya sa isang horror movie na may working title na Pwera Usog.

Naiiyak na sabi ni Devon, “Very thankful po talaga ako. First time ko nagtrabaho sa Regal.

“Tina-try ko na ikalma ang sarili ko. Ibubuhos ko na lang po ito sa movie. Naiiyak ako sa tuwa.

“Habang iniinterbyu ako kanina, hindi ko alam ang sasabihin. Sobrang nanginginig ako…”


Nagsimula ang showbiz career ni Devon nang maging housemate siya sa Pinoy Big Brother Teen Clash ng ABS-CBN noong 2010.

“Nag-start akong mag-acting, 2011 na po, a year after PBB.

“Okey lang sa akin na hindi magbida as long as nakakapag-provide ako para sa family ko.

“Kapag wala po akong show, may mga raket-raket kami, mga guesting. Ipon-ipon kasi pag ganoon,” kuwento ni Devon

CRUSH ON JAMES REID. Aminado naman si Devon na naging crush niya noon si James Reid, ang Big Winner ng PBB Teen Clash 2010.

“Oo naman po, lahat naman yata parang nagka-crush talaga sa kanya,” sabi niya.

Sinabi niya ba kay James na crush niya ito?

“Hindi. Good friends naman kami saka parang awkward naman kapag sinabing, 'Huy ganito.'”

Huling nagkita sina Devon at James sa backstage ng It's Showtime noong Sabado, August 27.

Kuwento ng Star Magic artist, “Sabay po kami bumati kasi parang na-shocked po kami.

“First time naming magkita. Parang three years ago pa yata yung last time kami nagkita, e, sobrang tagal.

“Parang nag-hi, hello lang, batian lang, kasi siya na po ang sasalang.

“Busy po sila, kasi after nung production number namin, sila na yung sasalang.

“Sobrang saglit lang.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Devon ang dating loveteam partner ni James sa mga programa ng ABS-CBN bago lumipat ang aktor sa Viva at naging reel-and-real life partner ni Nadine Lustre.

Handa ba siya na maging biktima ng bashing dahil sa pag-amin sa kanyang nararamdaman noon para kay James?

Sagot ni Devon, “Hindi naman po maiiwasan yun.

“Kapag fans po talaga, ganoon sila.

“Kahit anong gawin mo, magbait ka or hindi, may masasabi po talaga sila.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN