Jasmine Curtis-Smith hits back at bashers who accuse her of being 'irrelevant'

IMAGE Noel Orsal/Twitter

Jasmine Curtis-Smith hits back at bashers who accuse her of being pathetic and irrelevant: "So why so much effort to hate on me kung irrelevant pala... Di ko gets."


Ipinagtanggol ni Jasmine Curtis-Smith ang sarili mula sa netizens na pinuna at tinawag siyang 'pathetic,' 'di sikat,' at 'walang career.'

Nag-ugat ito nang nag-guest si Jasmine sa August 30 episode ng It’s Showtime, kung saan nagsalita siya tungkol sa international singer na si Rihanna.

Base sa kanyang tweets, tila may mga sinabi si Jasmine na hindi nagustuhan ng Rihanna fans.

Tweet pa ng aktres, huwag siyang kamuhian dahil sa kanyang opinyon.

Kasunod nito, may nag-share ng screen cap ng pag-uusap ng ilang netizens kung saan binatikos siya at binansagang 'pathetic,' 'di sikat,' at 'walang career.'

Nag-tweet si Jasmine bilang sagot sa batikos sa kanya.

Aniya, ang daming tumatawag sa kanyang 'walang career' at 'di sikat' pero pinag-aaksayahan pa rin siya ng panahon upang i-bash.

“People keep telling me that I'm irrelevant and so is my career, so why so much effort to hate on me kung irrelevant pala... Di ko gets.”

Dinepensahan din ni Jasmine ang pagsagot niya sa tweets ng netizens.

“And yes, marami akong time sumagot kasi gusto ko mareplyan ng maayos ang mga hindi nakakaintindi sa opinyon ko. Is that so bad?”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN