Tim Yap cries foul over drug allegations: "Napakasakit, napaka-unfair."

IMAGE Instagram photo of Tim Yap

Tim Yap assures that there are no illegal drugs in bars which he co-owns, "Sigurado ako diyan."


“Hindi po ako nagtatago.”

Ito ang mariiing sinabi ng TV host-eventologist na si Tim Yap tungkol sa diumano'y pagkakasangkot niya sa ilegal na droga.

Nakausap ng dzBB Super Radyo ang kilalang socialite ngayong Miyerkules, August 31.

Dito ay nilinaw ni Tim ang pagkakadawit ng kanyang pangalan sa illegal drugs.

Usap-usapan kasi ang madalas na paglabas ngayon ng TV host sa bansa, na sinasabi ng ilan na paraan umano niya upang magtago mula sa awtoridad.

May lumabas ding ulat na nagsasabing kasama umano ang pangalan ni Tim sa listahan ng Philippine National Police (PNP) ng mga supplier ng party drug na ecstasy.

Pahayag ni Tim, “Sa akin, medyo below the belt na paratangan ako na nagbebenta ng droga.”

Bukod sa pagiging TV host, kilala rin si Tim na co-owner ng ilang popular high-end bars, dahilan kaya madalas siyang nakikita sa mga party scene.

Ilan sa mga establishment kung saan partner si Tim ay ang Aracama, Prive, Valkyrie Nightclub sa Bonifacio Global City, Taguig; at Gramercy sa Makati City.

Pero diin niya, “Hindi po porke't nandoon ako sa party scene, hindi porke't nasa bars ako at sa events, e, ako po'y nagsu-supply. Hindi po totoo ito.

“For me, napakasakit, napaka-unfair.

“It's something that na hindi ko inakalang ever maa-attach sa pangalan ko.”

Upang patunayang wala siyang anumang koneksiyon sa ilegal na droga, sinabi ng TV personality, “I am a very healthy person. I am an active and fit person.”

Kaugnay nito, may pakiusap din si Tim: “Sana maging mas matalino ang tao para hindi nila basta paniwalaan ang nababasa nila online.”

READY TO COOPERATE. Bilang isang bar owner, handa raw si Tim na makipag-ugnayan sa mga awtoridad para sa ginagawang kampanya ng gobyerno laban sa ilegal na droga.

Handa rin daw siyang sumailalim sa surveillance dahil, aniya, “Wala naman silang makikita.”

Tiniyak din ni Tim na walang nakakapasok na ilegal na droga sa kanyang mga bar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN