PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Gab Valenciano and Tricia Centenera split after one year of marriage?

Gab Valenciano and Tricia Centenera post cryptic messages on Twitter.
by Arniel C. Serato
Published Sep 1, 2016
Hiwalay na diumano sina Gab Valenciano at Tricia Centenera pagkatapos lamang ng mahigit isang taong pagsasama bilang mag-asawa. Wala pang malinaw na dahilan kung bakit tinuldukan ng dalawa ang kanilang relasyon, ngunit may mensahe sina Tricia at Gab sa kani-kanilang social media accounts tungkol dito.

Hiwalay na diumano ang mag-asawang sina Gab Valenciano at Tricia Centenera.

Ito ay mahigit isang taon lamang pagkatapos nilang ikasal nang dalawang beses noong 2015.

Una silang ikinasal noong March 27, 2015 sa Tagaytay Highlands Gold Club.

Sinundan ito ng beach wedding nila sa Boracay noong March 31, 2015.

Ngayon ay kumakalat ang balitang tinuldukan na ng dalawa ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa.

TWITTER POSTs. Kahapon, August 31, isang makahulugang post ang ibinahagi ni Tricia sa kanyang Twitter account.

May kaugnayan ito sa 'cheaters':

May nagkomento naman dito na isang follower ni Tricia at nagsabing sana raw ay maayos kung anumang pinagdadaanan nila.

May ni-retweet din si Tricia tungkol sa '5 rules of a relationship':

Pero ilang araw bago pa man mag-post si Tricia ay may cryptic posts na rin si Gab sa Twitter tungkol sa 'new beginnings'

:

STORMIEST OF DAYS. Ngayong araw, September 1, isa namang mensahe tungkol sa 'bagyo ng buhay' ang ibinahagi ni Gab sa kanyang Instagram.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinamahan niya ito ng larawan kasama ang inang si Angeli Pangilinan-Valenciano at kapatid na babaeng si Kiana Valenciano.

Sabi ni Gab sa caption: “A pocket full of sunshine in the stormiest of days.”

A pocket full of sunshine in the stormiest of days. I love you both with everything I am.

A photo posted by Gabriel Valenciano (@gabvalenciano) on

Kaagad namang nagkomento rito ang ina ni Gab.

Mensahe ni Angeli, sa bawat problema o balakid na kinakaharap nito, dapat daw niyang unahin ang Panginoon bago ang lahat dahil tiyak daw na sa huli ay magiging maayos din ang mga ito.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kapansin-pansin ding matagal nang walang posts sa Instagram sina Gab at Tricia na magkasama o tungkol sa isa't isa.

Nagpadala na ng mensahe ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kina Gab at Tricia para sa kanilang pahayag tungkol sa balitang ito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hiwalay na diumano sina Gab Valenciano at Tricia Centenera pagkatapos lamang ng mahigit isang taong pagsasama bilang mag-asawa. Wala pang malinaw na dahilan kung bakit tinuldukan ng dalawa ang kanilang relasyon, ngunit may mensahe sina Tricia at Gab sa kani-kanilang social media accounts tungkol dito.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results