PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Tom Rodriguez on the same page with Carla Abellana about marriage

Tom Rodriguez on marrying Carla Abellana: Yeah, I'm ready.
by Arniel C. Serato
Published Sep 1, 2016
Ngayong malapit na ang ika-29 kaarawan ni Tom Rodriguez, aminado ang aktor na nasa marrying age na siya kaya naman napag-uusapan na raw nila ng girlfriend na si Carla Abellana ang pagpapakasal. Hindi naman daw sila nagmamadali, pero handa na raw siya sa panibagong yugto na ito ng kanyang buhay.

Sa October 1 ay ipagdiriwang ng Kapuso actor-TV host na si Tom Rodriguez ang kanyang ika-29 kaarawan.

Ang naturang edad ay masasabing marrying age na para sa isang lalaki.

Kaya tinanong si Tom kung napag-uusapan na ba nila ng kanyang nobyang si Carla Abellana ang pagpapakasal.

Sagot niya, “Yes. And ang masasabi ko, kumbaga sa pahina ng libro, pareho ang binabasa namin.”

Pareho na ba silang handa base sa pag-uusap nila?

Nakangiting sagot niya, “Sana. It seems like it.”

Kailan ito mangyayari kung sakali?

“Kung ano, if I didn’t have to work for survival, kahit ngayon.

“Pero siyempre, realidad natin ngayon sa buhay natin, hindi naman natin kaya ang instant.

“Readiness? Yeah, I’m ready.”

Ayon pa kay Tom, hindi niya nakikita ang sarili na tumandang bachelor.

Excited na raw siyang dumating ang panahong magkaroon ng sariling anak.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Tom sa pocket presscon ng bago niyang show sa GMA Network, ang na #LIKE, ngayong Huwebes, September 1, sa 17th floor ng GMA Network Center, Quezon City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasama ni Tom na maghu-host ng show ang Internet sensation na si Balang.




#LIKE. Magsisimula ang bagong talent reality competition na #LIKE sa Sabado, September 3, pagkatapos ng Eat Bulaga.

Kakaiba raw ito sa mga nagawang proyekto ni Tom sa GMA.

Aniya, “In a way, although nasubukan ko na ang hosting sa Don’t Lose the Money.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Dito, kahit galing ka sa mga heavy scenes [sa Someone to Watch Over Me], kailangang up pa rin yung energy mo.

“It’s definitely a challenge dahil yung mga tao na nakikita mo, sa kanila ka rin nakakahugot ng lakas.”

Bawat episode daw nila ay kukunan sa iba’t ibang barangay kung saan iba-iba rin ang ipi-feature nilang online sensations.

May katumbas na perang papremyo sa mga makakakuha ng maraming likes mula sa 100 Taumbayan Likers.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ngayong malapit na ang ika-29 kaarawan ni Tom Rodriguez, aminado ang aktor na nasa marrying age na siya kaya naman napag-uusapan na raw nila ng girlfriend na si Carla Abellana ang pagpapakasal. Hindi naman daw sila nagmamadali, pero handa na raw siya sa panibagong yugto na ito ng kanyang buhay.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results