Pabor si Lea Salonga sa paggamit ng medical marijuana upang makatulong sa paggamot ng mga karamdaman, kabilang na ang mga nakamamatay na sakit.
Ipinahayag ito ng Broadway star sa kanyang Facebook account nitong Biyernes, September 2.
Tumaon ang post ni Lea sa balita ngayong araw tungkol sa mga sinunog na kumpol-kumpol na halamang marijuana sa Benguet.
Mismong si Philippine National Police Chief Ronald dela Rosa ang nanguna sa operasyon, kaugnay ng kampanya ng PNP at ng gobyerno laban sa droga.
Sa nasabing Facebook post ni Lea, ibinahagi niya ang isang YouTube video tampok ang isang in-depth investigation tungkol sa marijuana sa States.
Ang video ay ang investigative report ni Dr. Sanjay Gupta para sa CNN na tinalakay ang masamang naidudulot ng marijuana at magandang naidudulot ng medical marijuana sa mga sakit.
Itinampok din sa video ang ilang kaso ng mga taong may nakamamatay na sakit pero nailigtas ang buhay dahil sa paggamit ng medical marijuana, kabilang ang isang batang babaeng may rare case ng epilepsy.
Caption ni Lea: “This is a very fair, balanced report by CNN's Dr. Sanjay Gupta. Outlined are not just what's good, but also what's bad about marijuana.”
Paalala ni Lea sa kanyang post, “This is not an advertisement for its use by any means.”
Sabi pa ng The Voice Kids coach, ang gusto niyang iparating ay ang benepisyong naidudulot ng medical marijuana.
“However, one of this report's focuses is its medical use. The non-psychotic part.
“The part that ended up saving a little girl with severe epilepsy named Charlotte Figgy. The strain was actually named after her.”
Pahayag ng international singer-actress, “So I would love to see medical marijuana (low THC, high CBD) available here.”
Paglilinaw niya, “Yung hindi nakakabangag. Yung nakakabuti lang sa ating mga mamamayan.
“Yung nakakatulong lang sa mga pasiyente ng cancer, epilepsy, AIDS.
“Keep very strict governmental restrictions please.
“However, keep an open mind.”
