James Yap gives up on reaching out to son Bimby: "Parang walang napapatunguhan."

by Gorgy Rula
Sep 2, 2016
James Yap on son Bimby Aquino Yap: "Ipinagdadasal ko na lang na sana magkaroon ng time na makausap ko siya at maka-bonding ko rin kahit papa'no, at makita niya ang kapatid niya."

Ibinulalas ni James Yap ang kanyang hinaing dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin daw niya nakakausap o nakikita ang anak niya kay Kris Aquino na si Bimby Aquino Yap.

Sa mga nakaraang interview ni James, binanggit niya ang kagustuhang makita ni Bimby ang bago nitong kapatid na si Baby Michael James.

Si Michael James ang anak ng PBA superstar sa kanyang Italian girlfriend na si Michela Cazzola.

Thank you Lord both of them are safe ???? ???? 8-8-16

A photo posted by James Yap (@jamesyap18) on

Pahayag ni James sa panayam niya sa radio program ng DZRH na Showbiz Talk Ganern kahapon, September 1, “Sinabi ko nga yun na sana makita niya ang baby brother niya.

“Pero ganun talaga. Ang iniisip ko kasi, magkapatid sila; paglaki nila, magkakilala sila.

“Why not, di ba? Mabuting makita niya ang baby brother niya.

“Sinabi ko naman talaga na anytime, kung gusto niyang makita.

“Sana magkaroon siya ng time.”

GIVING UP. Hindi ba gumawa ng paraan si James na makausap si Bimby at makipag-coordinate kay Kris para makasama niya ang kanilang anak?

Continue reading below ↓

Malungkot na pahayag niya, “Wala, e, hindi ko pa nakakausap.

“Walang chance, walang time, hindi ko nasabi sa kanya noon na magkakaroon na siya ng kapatid.”

Himutok pa ni James, “Mahirap, e. Meron kasing nangyari before na medyo hindi maganda rin. So, wala.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

“Kumbaga, sa totoo lang, honestly, parang ano… gumive-up na rin ako.

“Kasi sobrang… parang walang napapatunguhan, e.

“Ang effort mo, lahat, parang hindi nadi-develop.

“Nag-decide na lang ako na, tutal magkaroon din siya [Bimby] ng isip, lalaki rin siya at magkakaroon din siya ng isip sa sarili niya, hintayin na lang natin yung time.”

Hihintayin na lang daw ni James ang tamang panahon na malaman ni Bimby ang buong katotohanan at maintindihan ng anak ang lahat ng mga pangyayari.

Saad pa niya, “Mahirap, mahirap, e. Kung pipilitin mo, medyo gugulo lang.

“Ngayon ko lang sinabi na nag-give up na rin ako.

“Ipinagdadasal ko na lang na sana magkaroon ng time na makausap ko siya at maka-bonding ko rin kahit papa'no, at makita niya ang kapatid niya.”

Continue reading below ↓

NEW BABY. Sa kabilang banda, masaya namang ikinuwento ni James na personal nilang inaalagaan ni Michela ang kanilang anak na si Michael James.

“Kami talaga. Kasi si Michela, talaga sobrang hands-on.

“Ayaw niya kasi talaga ipahawak sa ibang tao, kaya wala kaming kinuhang yaya.

“Kaya puyat-puyat kami!” natatawa niyang sabi.

Nagawa naman daw niya ito noon kay Bimby, pero iba raw ngayon.

Ani James, “Nung time namin ng ex ko, siyempre hands-on din kami.

“Pero iba ito ngayon kasi dalawa lang talaga kami nag-aalaga; pati sa pagpalit ng diapers, lahat.”

Ayaw pa raw muna ni Michela na ipakita ang pictures ng baby, baka pagkatapos daw ng binyag.

Balak daw nilang sa December pabinyagan ang kanilang anak, pero wala pa silang napiling mga ninong at ninang.

Pizza night by Mommy Mic ????

A photo posted by James Yap (@jamesyap18) on

Read Next
Read More Stories About
James Yap, Michela Cazzola
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
James Yap on son Bimby Aquino Yap: "Ipinagdadasal ko na lang na sana magkaroon ng time na makausap ko siya at maka-bonding ko rin kahit papa'no, at makita niya ang kapatid niya."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results