Kahapon, September 4, ang Father's Day sa bansang Australia.
Sa isang Instagram post, binati ni Tricia Centenera ang kanyang ama ng 'Happy Father’s Day.'
Sabi ni Tricia: “Happy fathers day Pup. Thank you for always taking care of me.. catching me when I fall & pushing me when I'm scared to run. I love you @joseling you make me a better person.”
Pero kapansin-pansin sa huling bahagi ng caption ang mensahe niya para sa kanyang father-in-law na si Gary Valenciano, ama ng mister ni Tricia na si Gab Valenciano.
Sinamahan pa ito ni Tricia ng hashtag na #respect.
Mensahe niya kay Mr. Pure Energy: “Thank you for being my second Papa, you too are always here for me.”
Ito ay sa kabila ng napapabalitang paghihiwalay nina Tricia at Gab.
Read: Gab Valenciano and Tricia Centenera split after one year of marriage?
Hanggang ngayon ay wala pa ring pahayag ang magkabilang kampo tungkol dito.
