Mula sa Inah Estrada ay makikilala na ngayon ang anak nina Janice de Belen at John Estrada bilang Inah de Belen, kasabay ng paglipat nito sa GMA Network.
Ayon kay Janice, naiintindihan ng ex-husband niyang si John ang pagpapalit ng screen name ng kanilang panganay na anak.
“Nag-usap naman sila… I think, at first, medyo he felt weird because hindi nga niya name, di ba?
“Medyo nabigla lang siya nang kaunti, but then okay na, na-explain naman sa kanya.
“I guess he understood. Hindi naman kasi sa totoong buhay, screen name lang ito.”
Malayo raw mangyari sa kanila ang naging problema ni Dennis Padilla sa mga anak nito kay Marjorie Barretto, kung saan umabot pa sa kaso ang lahat.
Sabi ni Janice, wala siyang balak palitan ang apelyido ng mga anak nila ni John.
“Bakit naman? Bakit ngayon?
“Kung yun ang gagawin ko, I should have done that a long time ago.
“I would never do that because tatay siya ng mga bata.
“Magkakaiba tayo, magkakaiba tayo ng diskarte sa buhay.”
Nagpahayag din ng saya si Janice sa magandang itinatakbo ng acting career ni Inah, na magbibida na sa teleseryeng Oh My Mama.
“I’m really happy for her, you know, dapat matuwa na ako.
“Basta ang importante sa akin, matanda na siya, dapat magtrabaho na siya.”
