Sunud-sunod ang posts sa Instagram ng Queen of All Media na si Kris Aquino ngayong Martes ng umaga, September 6.
Una na rito ang tungkol sa ‘relocation’ ng buhay na nakatakda para sa isang tao. Pero kaagad naman niya itong binura.

NEW LIFE LOADING. Kasunod na post ni Kris ang tungkol sa kanyang panibagong buhay na kinakaharap.
Humingi rin siya ng paumanhin dahil kasalukuyan pa raw binubuo ang kanyang panibagong buhay.
Hindi rin itinago ni Kris na ‘natatakot’ siya sa kanyang kinakaharap na bagong buhay, pero hindi ito problema dahil ang naturang takot daw ang nag-uudyok sa kanya upang maging ‘matapang.’
Ito na kaya ang hudyat ng kanyang pagbabalik sa telebisyon ngunit sa ibang istasyon?
