PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Comedian Boobay survives lahar flash flood during Mt. Pinatubo trekking

Comedian Boobay relates lahar flash flood experience during a trip to Mt. Pinatubo.
by Nerisa Almo
Published Sep 6, 2016
Comedian Boobay on surviving lahar flash flood: "Salamat po Lord, sinamahan nyo kami sa pagsubok na yun... ikaw talaga ang tagapagligtas!"

Lubos ang pasasalamat ng komedyanteng si Boobay, Norman Balbuena sa tunay na buhay, sa pagkakaligtas niya at ilang mga kasama sa pagragasa ng lahar habang paakyat sila ng Mt. Pinatubo.

Sa kanyang Instagram post noong September 4, ibinahagi ni Boobay ang isang masayang trip sana na nauwi sa hindi magandang karanasan.

Lahad ni Boobaby sa caption ng kanyang IG post, “KAHAPON: ayan po yung trail paakyat ng Pinatubo, ganda di ba?

“need mo trekking ng 7km, ok pa naman kami nun, sight seeing chorva chorva.

“tapos nung naka 3km na kami, ayun, umulan bigla ng malakas tapos biglang sinalubong na kami ng rumaragasang lahar.

“para na kaming mga langgam na naghahanap ng tuyong lugar, stand by kami dun sa natitirang lupa ng mga ilang oras, nangangatog sa lamig, di makagalaw kc nagsasalubong pa yung lahar kaya wala kami madaanan...”

Sa kabila nito, hindi pa rin daw nagpatinag ang grupo nina Boobay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ambait pa din talaga ni Lord after ilang oras humina ung ulan at humupa kunti ung baha, nilakasan namin loob namin na suungin ung lahar kahit madami pa gumugulong na bato.

“takbo dito tsokbo doon kahit may bato pa nahuhulog sa taas, at yun naka-survive kami!!!

“Kung di siguro kami gumalaw nun at natakot na lang malamang, waley na kami..hayyyyysss.”

Sa huli, nagpahayag ng pasasalamat si Boobay sa Maykapal dahil sa pagkakaligtas niya at ng kanyang mga kasamahan.

“Salamat po Lord, sinamahan nyo kami sa pagsubok na yun... ikaw talaga ang tagapagligtas!!! Amen.”

KAHAPON: ayan po yung trail paakyat ng Pinatubo, ganda di ba??? need mo trekking ng 7km, ok pa naman kami nun, sight seeing chorva chorva, tapos nung naka 3km na kami, ayun umulan bigla ng malakas tapos biglang sinalubong na kami ng rumaragasang lahar, para na kaming mga langgam na naghahanap ng tuyong lugar, stand by kami dun sa natitirang lupa ng mga ilang oras, nangangatog sa lamig , di maka galaw kc nagsasalubong pa ung lahar kaya wala kami madaanan... ambait pa din talaga ni Lord after ilang oras humina ung ulan at humupa kunti ung baha, nilakasan namin loob namin na suungin ung lahar kahit madami pa gumugulong na bato, takbo dito tskbo doon kahit may bato pa nahuhulog sa taas, at yun naka survive kami!!! kung di siguro kami gumalaw nun at natakot na lang malamang, waley na kami.. hayyyyysss salamat po Lord, sinamahan nyo kami sa pagsubok na yun... ikaw talaga ang tagapagligtas!!! Amen.???????????? #PinatuboSurvivorSince1991 #fight #faith #GodIsGreat #magtiwalakalamang #DayOffTheBest #WalangSusuko

A photo posted by norman balbuena (@boobay7) on

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
Read More Stories About
Boobay
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Comedian Boobay on surviving lahar flash flood: "Salamat po Lord, sinamahan nyo kami sa pagsubok na yun... ikaw talaga ang tagapagligtas!"
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results