PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mark Bautista explores other options after contract with GMA Network expired

Mark Bautista willing to return to ABS-CBN.
by Arniel C. Serato
Published Sep 7, 2016
Aminado si Mark Bautista na kinabahan siya nitong mga nakaraang buwan dahil wala na siyang regular show at nagtapos na ang kanyang kontrata sa GMA Network. Pero naging daan daw ito upang makagawa siya ng ibang bagay na gusto niyang mangyari sa kanyang buhay.

Nagtapos na ang kontrata ni Mark Bautista sa GMA Network noong Abril, at aminado ang singer-actor na nataranta siya dahil bigla siyang nawalan ng regular na trabaho.

Saad niya, “Wala na akong nabalitaan after nun so parang puro guesting lang.

“So, sabi ko… ako naman siyempre, mas maganda naman yung may network contract ka kahit papa'no.

“Pero, I think, wala pa silang project na maibibigay, so ayoko naman na parang mag-aantay ka sa wala or something.

“We’ll see kung ano mangyayari after.

“Siyempre, hanggang kailan ka naman mag-guesting-guesting lang, di ba?

“Gusto mo na may show or something.”

May naramdaman ba siyang tampo sa Kapuso network?

Ayon kay Mark, “Actually, kung tampo naman… hindi naman sa tampo actually, kasi naintindihan ko rin sila kung saan sila nanggaling.

“And, business-wise, e, may sarili silang mga concerns din, plano.

“And ayaw mo rin namang… ayoko rin naman yung tanong ka nang tanong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kasi kung meron naman, lalapitan ka nila, sasabihin nila sa 'yo.

“So, ngayon, ayoko rin namang mag-abang, ayoko rin namang walang gagawin.

“So ako, as much as possible, gusto ko na may gagawin ako.

“Kung may bakante man ako [oras], gusto ko maging productive.

“Kaya nung natanggap ako sa New York Film Academy—nag-audition muna ako—nung natanggap nila ang application ko, dun muna ako.

“Sabi ko, ‘A, may reason kung bakit nangyayari to lahat.’”

Sa Oktubre ay aalis si Mark para mag-aral ng paggawa ng music videos sa New York Film Academy.

Gusto raw kasi niyang maging direktor ng music videos.

Isang buwan daw ang naturang hands-on extensive music video workshop at umaasa si Mark na marami siyang matututunan.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mark sa guest appearance niya sa MARE Foundation Turnover Ceremony, sa San Andres Auditorium, San Andres, Manila, nitong Miyerkules ng umaga, September 7.

Isinalin na ni former Senator Loi Ejercito ang pamamahala sa foundation sa kanyang anak na si Jackie Ejercito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOT BURNING BRIDGES. May offer ba si Mark sa ABS-CBN kung saan siya naging talent din noon?

Ayaw pa itong kumpirmahin ng singer-actor dahil hangga't hindi raw ito nasimulan ay mananatili itong sabi-sabi pa lamang.

Willing ba siyang bumalik sa Kapamilya network?

Tugon ni Mark, “Oo naman, oo naman.

“Ako naman, ang relasyon ko sa Dos ay parang open naman sila sa akin, like pinapa-guest naman nila ako sa mga shows nila.

“And siguro wala naman akong na-burn na bridges sa kanila.

“So, I think open naman ako with them, and sino ba naman ako na tanggihan kung may offer ang Dos?

“And then, ang GMA din naman, wala rin naman akong sinasabing masama rin sa kanila, okay naman yung relationship ko sa kanila.

“Actually, malaking tulong sila sa career ko rin.”

Read Next
Read More Stories About
Mark Bautista
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Aminado si Mark Bautista na kinabahan siya nitong mga nakaraang buwan dahil wala na siyang regular show at nagtapos na ang kanyang kontrata sa GMA Network. Pero naging daan daw ito upang makagawa siya ng ibang bagay na gusto niyang mangyari sa kanyang buhay.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results