PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sen. Manny Pacquiao on President Duterte's unorthodox style: "Tanggap ng tao iyan."

Manny Pacquiao: Tanggap ng tao iyan.
by Nerisa Almo
Published Sep 7, 2016
Manny Pacquiao on President Rodrigo Duterte's demeanor: "Tumatakbo pa lang siya nakikita, naririnig na natin sa kanya iyan, and yet ibinoto pa rin siya ng tao. Kumbaga, tanggap ng tao iyan."

Nanawagan ng pagkakaisa si Senator Manny Pacquiao sa gitna ng panibagong kontrobersiyal na pahayag ni President Rodrigo Duterte.

Sa panayam sa kanya ng ilang Senate reporters kanina, September 7, sinabi ni Pacquiao, “Kailangan natin magkaisa para suportahan iyong pangulo natin para sa pagbabago.”

Umani ng iba't ibang reaksiyon ang naging pahayag ni Pres. Duterte tungkol sa posibilidad na mapag-usapan nila ni U.S. President Barack Obama ang tungkol sa extrajudicial killings sa Pilipinas na sanhi ng kampanya laban sa ilegal na droga.

Dahil sensitibo ang paksang ito para kay Pres. Duterte, hindi niya napigilang mapamura habang ibinabahagi ang kanyang saloobin sa mga miyembro ng media na patuloy siyang tinatanong tungkol dito.

Hindi naman nagtagal ay humingi rin ng paumanhin si Pres. Duterte sa kanyang nasabi, na tila naging dahilan ng pakakansela ng dapat sana'y meeting nila ni Pres. Obama sa ASEAN Summit sa Laos.

Kaugnay nito, sabi ni Pacquiao, “Humingi naman siya ng paumanhin at sorry sa mga nasaktan niya. Tao lang naman [siya], nagkakamali.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dahil dito, humanga raw siya sa ginawa ni Pres. Duterte.

“Ang hinangaan ko lang sa ating pangulo is alam niya ang pagkakamali at saka nag-sorry siya, yun, e.

“May ibang leaders natin na kahit nagkakamali, hindi tumatanggap ng kamalian, di ba?

“Even before he was elected president, tumatakbo pa lang siya nakikita, naririnig na natin sa kanya iyan, and yet ibinoto pa rin siya ng tao. Kumbaga, tanggap ng tao iyan.

“Ang importante, iyong tapat.”

At sa halip na ipilit ang pagbabago mismo kay Pres. Duterte, sabi ni Pacquiao, “Hindi natin siya puwede pangunahan at hayaan natin kung ang Panginoon ang magbigay sa kanya ng wisdom [at] knowledge to change his style.

“Hindi tayong tao ang magbago sa tao.”

Sa kabila ng mga ito, siniguro naman ni Pacquiao na buo pa rin ang kanyang suporta para kay Pres. Duterte.

Aniya, “Ang suporta ko [ay] hindi nagbago, lalong tumitibay, lalo na sa pagsugpo ng krimen sa Pilipinas, lalo na ang droga.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Manny Pacquiao on President Rodrigo Duterte's demeanor: "Tumatakbo pa lang siya nakikita, naririnig na natin sa kanya iyan, and yet ibinoto pa rin siya ng tao. Kumbaga, tanggap ng tao iyan."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results