“We’re okay, we’re doing good, we’re enjoying each other’s company, I’m happy.”
Ito ang sunud-sunod na paglalarawan ng Sunday Pinasaya mainstay na si Julie Anne San Jose sa estado ng relasyon nila ngayon ng Kapuso hunk na si Benjamin Alves.
Nasa exclusively-dating status sila ngayon ni Benjamin, pero hanggang doon pa lang daw ang kayang ibahagi ni Julie Anne nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).
Ilang male celebrities na rin ang na-link sa kanya noon, pero ngayon lang yata siya naging ganito ka-open?
Paliwanag ni Julie Anne, “I think before, I wasn’t ready, marami pa po akong priorities na kailangang ma-accomplish.
“May school din po ako, at the same time, nagtatrabaho. I wanted to make my parents proud.
“Hindi ko po kasi iniisip yung mga bagay na yun before, and then last year, graduating ako.”
Sabi pa niya tungkol kay Benjamin, “I’ve known him na medyo matagal na rin, pero hindi kasi kami yung nag-uusap and stuff… ayun, nagkaroon ng chance.”
Aminado si Julie Anne na malaking bagay na naka-graduate na siya ng kolehiyo kaya mas open siya ngayon pagdating sa aspeto ng love life.
Saad niya, “Sinabi nga rin po ng parents ko na, ‘Basta tapusin mo ang school mo. Finish your degree.’
“Importante kasi na kapag pumasok ka sa isang relationship or nakipag-commit ka at ang dami mong ginagawa, yung school at work, sobrang malaking factor yun sa buhay ko.
“Siyempre, sobrang driven ko sa school na gusto kong makatapos, gusto ko talagang mag-aral.
“At yun, kinaya ko naman siya habang nagtatrabaho, and I think right time na rin.”
GLAIZA DE CASTRO. Natawa naman si Julie Anne nang sabihin namin ang naging pahayag ni Glaiza de Castro, na na-link noon kay Benjamin, na noon pa man ay crush na siya ng aktor.
Alam niya ba ang tungkol dito?
Sabi ni Julie Anne, “Actually, sinabi po niya sa akin, sinabi po niya sa akin noong nag-uusap na kami.”
Kumusta naman sila ni Glaiza? Hindi ba sila nagkakailangan dahil sa pagkakaugnay nila pareho kay Benjamin?
Aniya, “The thing with Glaiza, wala naman pong kaso.
“Okey po kami ni Glaiza. Kapag nagkikita kami, batian.”
Kahit ngayong sila na ni Benjamin ang nali-link sa isa’t isa?
Tugon ni Julie Anne, “Bihira po kaming magkita, but we’re really okay.
“And I think, wala naman po talagang dapat bigyan ng isyu dahil okey naman po kami.
“And I think, irrelevant na pag-usapan pa ang past.
“Siyempre, nangyari na ‘yan before, wala naman nang… well, hindi naman natin mababalik yun.”
Sa isang panayam ni Glaiza ay inamin niyang nagulat siya na bigla na lang nawala ang komunikasyon nila ni Benjamin.
Aware ba si Julie Anne dito?
“Siguro sa kanila na lang… I mean, sa kanila na lang po yun,” iwas niya.
Hindi ba siya naba-bash ng ilang netizens na nag-iisip na siya ang ‘third party’ sa naudlot na relasyon nina Glaiza at Benjamin?
Ayon kay Julie Anne, “Wala naman po so far.
“If ever man po na meron, we’ll always be there, we’ll always make sure that we’ll always be there for each other, we’ll defend…
“Kasi, ako naman, ayoko rin naman na nadadamay ang mga taong importante sa akin, especially yung family ko, friends ko, at siyempre siya [Benjamin] na rin.
“May mga sarili kaming paraan para protektahan ang sarili namin o protektahan ang isa’t isa.
“And that’s one of the things na dapat kong gawin at gusto ko rin gawin.
“I don’t think kasi it’s right na parang kinu-control ka na ng tao.”
TIME FOR EACH OTHER. Parehong busy sina Julie Anne at Benjamin, pero may oras daw silang inilalaan para sa isa’t isa.
Ayon sa singer-actress, “Ngayon hindi naman po masyadong busy…
“Well, as much as we can, we spend time and importante kasi ang communication.”
Okey si Benjamin sa mga magulang niya?
“Opo!” mabilis na sagot ni Julie.
“Malaking bagay rin po kasi na alam ng magulang.
“Kasi, kapag sinabi ng magulang mo na no, siyempre mabigat for me. Ayoko rin naman ng ganun.
“Ayoko rin namang i-risk ang relationship ko with my parents para ipagpatuloy ko ang relationship ko with someone.
“Happy ako, kasi okey po siya sa parents ko.”
