Patuloy ang tila honeymoon ng mag-asawang Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos sa Amerika.
Matapos ipakita ng Eat Bulaga! host sa kanyang misis ang kanilang bagong bahay sa Las Vegas, dinala naman niya ang aktres sa isang concert.
Read: Did Ryan Agoncillo buy a new house in Las Vegas for wife Judy Ann Santos?
Naging trending tpic pa sa Instagram kamakailan ang larawan nilang dalawa na kuha sa 25th anniversary concert ng Dave Matthews Band sa The Gorge Ampitheater, sa Washington, U.SA.
Sa naturang photo, nagbigay pa ng mensahe si Ryan para sa anak nila ni Judy Ann na si Lucho.
Aniya, “Son, listen to the words of the song crush by the Dave Matthews Band. It made dad cry while dancing with mom under the starlit sky.”
Ang naturang sweet moment ng mag-asawa ay tila katuparan ng pantasya ni Ryan kasama ang kanyang asawa.
Sa nakaraang panayam sa kanya ni Ricky Lo para sa column niyang “Funfare” noong 2013, natanong si Ryan tungkol sa sexiest concert na kanyang napuntahan.
Sagot ng TV host, “That one remains a fantasy, I want to chase the Dave Matthews Band around and just schedule a trip around their tour dates and really just soak in the vibe with my wife.”