Sophie Albert confirms breakup with Vin Abrenica: "It was mutual."

by Arniel C. Serato
Sep 9, 2016
Nananatili raw magkaibigan sina Sophie Albert at Vin Abrenica matapos silang maghiwalay. Napag-usapan daw nilang dalawa na mag-focus muna sa kani-kanilang karera.
PHOTO/S: 150

Mutual decision daw ang nagyaring hiwalayan sa pagitan ng dating TV5 stars na sina Sophie Albert at Vin Abrenica.

Ito ang kinumpirma ni Sophie sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Ayon sa Artista Academy winner, “It was mutual.

“Kasi kami ni Vin, we were very serious [in our work], so it was a little bit interfering with our work.

“So we both decided na ano na lang, chill muna tayo.

“Pero super okay kami. We talk all the time.”

Tatlong taon daw ang itinagal ng kanilang relasyon, na nagsimula pagkatapos nilang manalo pareho sa Artista Academy ng TV5 noong 2012.

Ngayon, pareho na rin silang wala sa TV5 dahil na-dissolve na ang entertainment department ng Kapatid network.

Nitong nakaraang July lang daw opisyal na umalis si Sophie sa Singko.

“Last July. No more na kasi wala nang entertainment, e.

“Actually, our contract will expire next year, but they allowed me to do projects outside, kasi wala nang entertainment.”

Continue reading below ↓

Nakausap ng PEP si Sophie sa contract signing niya sa Regal Entertainment, kung saan nakatakda siyang gumawa ng walong pelikula.


8-PICTURE CONTRACT. Masayang-masaya raw si Sophie na kahit wala na siyang network contract ay magpapatuloy ang kanyang showbiz career sa pamamahala ng manager niyang si Direk Manny Valera.

Continue reading below ↓

Sa pagpirma niya ng 8-picture contract sa Regal Entertainment, umaasa ang young actress na mas matuto pa siya sa larangan ng pag-arte.

Saad niya, “Hindi ko ini-expect, nung nasabihan ako, super happy.

“Kasi first time ko na parang magkaroon ng promise, you know, parang ganun.

“I’m really happy and I feel really great.

“Every project na ginagawa ko, I’m trying to learn, para maging mas better.

“Kung ano ba yung difference ng TV at film, slowly, I’m trying to learn.”

Ilan sa mga nagawa nang pelikula ni Sophie ay #Y, Moonlight Over Baler with Vin, at isang pelikula pa ang ginagawa niya ngayon kasama naman si Martin del Rosario.

Humihingi naman ng dasal si Sophie dahil sa susunod na linggo ay nakatakda siyang makipag-meeting sa mga tagapamuno ng ABS-CBN para sa iba pang potential projects.

Aniya, “Hopefully [mabigyan ako ng projects sa ABS-CBN], kasi next week, mag-meet kami ni Mr. M [Johnny Manahan of Star Magic], Sir Deo [Endrinal of Dreamscape], and Miss Malou [Santos of Star Cinema], sana magustuhan nila ako.

Continue reading below ↓

“So, sana pray for me na mabigyan ako ng chance.”

Read Next
Read More Stories About
Sophie Albert, Vin Abrenica
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nananatili raw magkaibigan sina Sophie Albert at Vin Abrenica matapos silang maghiwalay. Napag-usapan daw nilang dalawa na mag-focus muna sa kani-kanilang karera.
PHOTO/S: 150
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results