May mahalagang panawagan si Jenine Desiderio para sa mga tagahanga ng kanyang anak na si Janella Salvador.
Ito ay huwag nang bigyan ng pet animals ang young actress dahil hindi nito naaalagaan nang maayos ang mga hayop.
Umapela si Jenine sa kanyang Facebook account dahil nahihirapan na raw siyang mag-alaga sa pet animals ni Janella.
Narito ang panawagan ng ina ni Janella:
“Can all of you please stop giving Janella live pets/animals as gifts because she DOES NOT personally take care of them.
“The unwelcome responsibility of taking care of them ends up on the unwilling laps of her housemates -- that's us.
“So please.... I love animals but I can't take care of so much. This is also one of the reasons our helpers don't last long.
“Again, please. I miss living in a house that smells good, not taken over by animals taken for granted by a busy owner.”
Nilinaw ni Jenine na wala sa plano niyang ipamigay sa ibang tao ang mga hayop na alaga, pero hindi na raw sila tatanggap ng pet animals na regalo.
Sabi ng dating Miss Saigon cast member, “We are not disposing. Just not accepting.
“The ones with us have of course become attached to us. We just have to live with the conditions their presence brings.
“That's why… no more. Di na namin kaya.”
Naglagay pa siya ng mga hashtag na #homezoo at #freakingout.