Janella Salvador open to possibility of being courted by Elmo Magalona: "If the circumstances are right..."

by Glen Sibonga
Sep 10, 2016
Janella Salvador defines her relationship with Born For You co-star Elmo Magalona (right): "Deeper na talaga yung friendship namin. Kumbaga, ibang level na."

Posible palang magkaroon ng chance sa puso ni Janella Salvador ang Born For You leading man niyang si Elmo Magalona kung nasa ayos lamang ang lahat ng mga bagay at nasa tamang pagkakataon.

Tinanong kasi ng mga press si Janella na kung sakali bang walang girlfriend si Elmo, may pag-asa ba ang aktor kung liligawan siya nito?

“Elmo is most definitely charming naman, and he’s a very nice guy.

“I can say that,” pagmamalaki ni Janella tungkol kay Elmo.

So, may chance nga si Elmo?

“If the circumstances are right, mayroon naman,” sambit niya.

Bata pa naman kasi si Janella sa edad na 18 anyos.

Naka-focus din siya sa career niya at hindi nga niya priority ang lovelife ngayon.

Bukod dito, alam din ng lahat na girlfriend ngayon ni Elmo ang Kapuso actress na si Janine Gutierrez.

Kaya natanong din si Janella kung medyo dumidistansiya ba siya kay Elmo dahil sa pagkakaroon nito ng girlfriend?

“Siyempre may limitations and boundaries naman talaga.

“Kumbaga work is work, and we’re just really enjoying each other’s company.

“And talagang kinikilala namin ang isa’t isa. No problem naman,” paliwanag ng young actress.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press si Janella sa set visit ng Born For You sa Benpres Building sa Meralco Avenue, Pasig City kahapon, Setyembre 9.

DEEPER FRIENDSHIP. Masaya lang si Janella sa magandang samahan nila ni Elmo ngayon. Mas lumalim nga raw ang pagkakaibigan nila habang tumatagal ang pagtatrabaho nila sa Born For You.

“Deeper na talaga yung friendship namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kumbaga, ibang level na,” sabi ni Janella.

Kahit na matatapos na ang Born For You sa Setyembre 16, pananatilihin daw nila ang pagkakaibigan nila.

“Oo naman, we’d like to keep the friendship that we have,” anang young actress.

“And I think sa business na ito, it’s really hard to find true friends talaga, na talagang mapagkakatiwalaan mo.

“And I can say naman I have found a true friend in Elmo. And you don’t waste a good friendship.”

Ano ang mami-miss niya kay Elmo?

“Yung eye bags niya,” sabay tawa ni Janella.

“Kasi inaasar ko siya lagi na mukha siya laging antok, kahit ano yung expression ng mukha niya.

“At saka yung pagkain namin kasi may nakakapantay sa appetite ko.”

Willing ba siyang makatrabaho ulit si Elmo?

“Definitely naman, yes. I would love to work with Elmo again.”

Samantala, excited na si Janella para sa finale episode ng Born For You na live na gaganapin sa KIA Theater sa Setyembre 16.

Marami raw silang sorpresa at pasabog sa pagtatapos ng kanilang teleserye.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
Read More Stories About
janella salvador elmo magalona
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Janella Salvador defines her relationship with Born For You co-star Elmo Magalona (right): "Deeper na talaga yung friendship namin. Kumbaga, ibang level na."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results