Bukod kay Ella Cruz, may isa pa palang showbiz crush si Francis Magundayao.
Ito ay ang kasama niya sa Born For You na si Janella Salvador, na isa rin sa mga miyembro ng grupong Girltrends ng It’s Showtime.
“I have to admit, sobrang daming attractive and lovely ladies here in Star Magic alone.
“But I think I admire one of dun sa Girltrends. I just think one of them is attractive. I think I can't keep it to myself.
“I find Janella attractive, she’s also nice.
“She’s very bubbly, madali siyang kausapin, madali siyang makahalubilo. She’s a very good actress.
“Kumbaga, 'di ka magtataka why she’s here right now kung nasaan man siya ngayon; why she’s a leading star, because of who she is,” pahayag ni Francis sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News sa nakaraang set visit ng ilang miyembro ng entertainment press sa set ng Born For You kahapon, September 9, sa Benpres Bldg. sa Ortigas, Pasig City.
Gumaganap si Francis bilang si Alan sa seryeng Born For You, kunsaan ang kanyang karakter ay may gusto kay Sam, na ginagampanan naman ni Janella. Masaya si Francis na parte siya ng nasabing serye.
HONORED WORKING WITH ELMO AND JANELLA. Kinuwento rin ng aktor na wala naman siyang pamba-bash na natanggap mula sa fans nina Elmo Magalona at Janella o mas kilala bilang tambalang ElNella.
“I feel really honored, first and foremost, kasi sobrang saya ng production.
“Nag-e-enjoy ako na kasama ang mga co-artists ko, sina Janella, sila Elmo, sina Young JV, sina Alfred.
“Sobrang saya nilang mga kasama. I feel really blessed na naging parte ako ng show na ito. I really hope na nakapagbigay kami ng justice sa roles namin.”
“Ang role ko kasi dito, gusto ko si Janella, so parang ganun.
“Bash? No, wala. Sobrang bait ng ElNella fandom that they acknowledge the story of Allan, my character.
“Ina-acknowledge nila na may gusto siya kay Sam. I feel really humbled by their support.”
Kahit gumanap nang leading man si Francis sa seryeng Aryana, hindi siya nagdalawang-isip sa role niya sa Born For You, kunsaan support lang siya sa ElNella.
Lahad niya, “I always say that I trust the decision of the management.
“'Di ko naman kasi tinitingnan as parang lower class itong ginagawa ko, e. I think of it as work.
“Kahit na anong ibigay sa akin, kung tawagin ng tao mas mababa, I look at it as professional, I just do it.
“I guess wala akong negative feeling about that, I’m just really happy that I got work.”
BORN FOR YOU ENDING. Marami ang nanghinayang na sa susunod na linggo ay matatapos na ang Born For You.
Para naman kay Francis, lahat ng bagay, maganda man o masaya, ay may katapusan.
“I don’t know but I believe there’s a time for everything.
“I guess this is our time for us to end.
“'Di naman puwedeng mag-prolong lahat ng magagandang bagay. May mga bagay na kahit maganda o masaya. kailangang mag-end.
“I guess this is one of those things, one of the beautiful things that has come to an end.”
