PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jericho Rosales and John Estrada bury the hatchet

Jericho Rosales becomes friends with John Estrada after their rift in 2006.
by Glen Sibonga
Published Sep 12, 2016
Jericho Rosales on his past issue with John Estrada: "I truly believe in forgiveness and moving on. And you know, may mga phase sa buhay mo na darating and that doesn't end there. Good things happen after the storm."

Muling naungkat ang dating isyu sa pagitan nina John Estrada at Jericho Rosales dahil magkatrabaho ngayon ang dalawa sa bagong ABS-CBN primetime teleseryeng Magpahanggang Wakas.

Taong 2006 nang magkaroon ng kumprontasyon sa pagitan ng dalawang aktor, na nag-ugat sa hindi magandang insidente sa pagitan naman nina John at Heart Evangelista, na noo’y girlfriend ni Jericho.

Pero nagkaayos din sila at inaming misunderstanding lang ang nangyari.

Natawa na nga lang si John nang matanong tungkol dito ng Bulgar at PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Magpahanggang Wakas na ginanap kahapon, Setyembre 11, sa Dolphy Theater sa loob ng ABS-CBN compound.

“Nakalimutan ko na nga, e. Wala, walang problema,” sambit ni John.

So, okay na okay na sila ni Jericho?

“Sobra.”

Kinalimutan na talaga nila yung nangyari?

“Ako nga hindi ko na maalala, e!” natatawang sabi ni John.

“Nagulat nga ako, sabi ko, ‘Oo nga pala, 'no.’ Oo naman [kinalimutan na], yeah.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon pa kay John, pagkatapos ng insidenteng iyon ay nagkatrabaho pa sila ni Jericho sa ABS-CBN teleseryeng Dahil May isang Ikaw, na umere noong August 24, 2009 hanggang January 5, 2010.

Maging sina John at Heart ay nagkasama na sa pelikulang Trophy Wife noong 2014.

Sabi pa ni John, “Happy na si Heart, di ba?”

Na ang tinutukoy niya ay happily married na si Heart kay Sen. Chiz Escudero.

Masaya na rin daw si Jericho sa piling ng misis nitong si Kim Jones.

JERICHO’S SIDE. Nagbigay rin ng pahayag si Jericho nang usisain tungkol sa nakaraang isyu nila ni John.

“Sabi ko na, itatanong niyo sa akin iyan, e.

“Matagal na naming naayos iyon.

“Ako, humingi ako personally ng tawad sa kanya sa mga nagawa ko dati. Siya rin ganun, dalawa kami.

“And because of that event, parang nagkaroon pa kami ng mas magandang pagkakaibigan.

“Hindi kami masyadong nagkikita… hindi naman kami magka-close katulad nila ni Goma [Richard Gomez], but you know, nagkaroon kami ng bond.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nakakapagbiruan kami, kita mo kanina kung papaano kami [sa presscon].

“So, I truly believe in forgiveness and moving on.

“And you know, may mga phase sa buhay mo na darating and that doesn’t end there.

“Good things happen after the storm,” paliwanag ni Jericho.

Incidentally, magiging magkatunggali sa puso ni Arci Munoz (Aryann) ang mga karakter na ginagampanan nina John (Tristan) at Jericho (Waldo) sa Magpahanggang Wakas.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jericho Rosales on his past issue with John Estrada: "I truly believe in forgiveness and moving on. And you know, may mga phase sa buhay mo na darating and that doesn't end there. Good things happen after the storm."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results