PEP EXCLUSIVE. Divine Lee reveals details of her engagement to Blake Go

by Arniel C. Serato
Sep 12, 2016
Masayang nagkuwento si Divine Lee tungkol sa engagement niya sa kanyang boyfriend na si Blake Go sa Bali, Indonesia kagabi, September 11. Sa tingin din daw niya ay nasa tamang edad na sila para magpakasal.

Tamang panahon na raw at nasa tamang edad na rin sila.

Ito ang paglalarawan ng TV host at modelong si Divine Lee sa engagement nila ng fiance na si Blake Go sa Bali, Indonesia, kagabi, September 11.

Read: Divine Lee engaged to businessman BF Blake Go

Sa pamamagitan ng pagtawag sa telepono ngayong araw, September 12, eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Divine, na kasalukuyang nagbabakasyon sa Bali.

Pahayag niya, “Oo naman, e, everything happens for a reason, pareho na namang masasaya kaming lahat, di ba?

“So, may dahilan yun kaya ayun, ganun talaga,” pagtukoy niya sa naudlot nilang relasyon ng ex-boyfriend na si Victor Basa.

Feeling ba niya, naging mabilis ang pangyayari dahil isang taon pa lang ang relasyon nila ni Blake?

Tugon ni Divine, “Oo nga, nagmamadali si Kuya, charot!

“Hindi. Alam ko yung feeling ng mahabang relasyon, di ba?

“Bakit pa namin patatagalin, di ba? Tsaka hindi naman na ako 16.

Continue reading below ↓

“Thirty-four na kami pareho. Mag-classmate kami at magka-edad.”


#GOLEE. Sa ngayon ay lutang pa rin daw si Divine sa mabilis na kaganapan.

Ang alam lang daw niya ay magdi-dinner sila ng boyfriend sa isang restaurant, ngunit napansin niyang may-set up sa isang cabana sa restaurant na kanilang pinuntahan.

Continue reading below ↓

Tinapos daw nila ang dinner at bigla na lamang may dumating na musicians.

Noong nagsimula na itong tumugtog, doon na raw nag-propose si Blake sa kanya.


Sabi ni Divine, “Gulat pa rin ako sa pangyayari, kagabi lang kasi nangyari.”

Naaalala pa ba niya ang sinabi ni Blake bago ito mag-propose?

Continue reading below ↓

“Nung lumuhod na, wala na akong narinig. Tawa na ako nang tawa.

“So, nung tinatanong na niya ako, hindi ko rin naman maintindihan yung mga sinasabi niya.

“Nung naghihintay na siya ng sagot, ang sagot ko lang, ‘Renewable ba ‘to?’

“Wala, natawa na rin siya kasi alam naman niya na comedy naman talaga ako.”


Continue reading below ↓

Anong wedding ba ang gusto niya?

Ayon kay Divine, “Actually, sa totoo, kung ako ang papipiliin, gusto ko konti lang ang tao.

“Pero parang hindi ko lang alam, kailangan naming i-consider… malaki silang family.

“So, kailangan naming isipin yun. Pero kahit ano naman, choosy ka pa ba?”

Ang naiisip niya ay baka raw beach wedding kapag sa Cebu gaganapin ang nalalapit nilang pagpapakasal.

DIVINE-BLAKE RECONNECTION. Kaklase niya si Blake sa kolehiyo, pero hindi naman daw sila ganun ka-close noon.

Matapos ang college, nagpunta raw si Blake ng Oxford, London para mag-aral ng business management kaugnay na rin sa negosyo ng kanilang pamilya.

Ang pamilya nina Blake ang nagmamay-ari ng Prince Warehouse Club sa Visayas at Mindanao.

Dagdag pa ni Divine, nitong nakaraang taon lamang muli silang nagkita ni Blake sa event ni Ronald Singson sa Boracay.

Matapos daw nito, sinundan naman siya ni Blake sa London kung saan nag-aral naman siya sa naturang siyudad sa England.

Continue reading below ↓

Pabiro pa ni Divine, “Sinundan niya ako sa London. Hindi niya matiis yung beauty ko kaya hindi niya ako tinantanan.”


Read Next
Read More Stories About
Divine Lee, Blake Go
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Masayang nagkuwento si Divine Lee tungkol sa engagement niya sa kanyang boyfriend na si Blake Go sa Bali, Indonesia kagabi, September 11. Sa tingin din daw niya ay nasa tamang edad na sila para magpakasal.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results