PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Dingdong Dantes wants more children

Dingdong Dantes says he can't wait for his baby daughter Zia to grow up.
by Rose Garcia
Published Sep 12, 2016
Dingdong Dantes admits when it comes to nurturing their baby daughter, his wife Marian Rivera is more hands-on. "Most of the work is being done by Marian. Support group lang ako," he reveals.

Kinumpirma ni Dingdong Dantes na mangingibang-bansa silang pamilya sa darating na Kapaskuhan.

Ayon sa misis niyang si Marian Rivera, posibleng sa Spain sila mag-Pasko para madalaw at makita na rin ng ama nito at mga kaanak ang baby nila ni Dingdong na si Maria Letizia Gracia Dantes.

Pero ngayong September 21 ay aalis ang mag-asawa papuntang Amerika para sa isang show.

Ang kaso, wala pa raw visa si Baby Zia.

Mahigit isang linggo silang mawawala, kakayanin ba nina Dingdong at Marian na iwan ang anak?

Natatawang sagot ni Dingdong, “Hindi, hindi namin kayang iwan!”

Habang lumalaki ay mas gumaganda si Baby Zia.

Sabi naman ni Dingdong, “E, magaling magpalaki ang nanay, support group lang ako.

“Most of the work is being done by Marian.

“Kung makakapagsalita lang ang bata, alam niya ang hirap ng mga magulang sa pagpapalaki.

“Kaya excited na rin kaming makita siyang lumaki.”

May plano na ba silang sundan agad at bigyan ng kapatid si Baby Zia?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kung kailan ibigay!” natawang sagot ni Dingdong.

Sabi pa niya, “Wala sa aming mga kamay yun, e, pero kung gugustuhin, gusto.

“To make it happen, para maging reality, wala naman talaga sa aming mga kamay yun.

“Pero goal naman talaga namin na magkaroon ng maraming anak.

“Kaya bago pa kami ikasal, yun na ang pinagkasunduan namin.”

Ilan na ang anak na goal nila ni Marian ngayon?

“Kung ilan po ang ibigay!” natawang sabi niya.

WORK-LIFE BALANCE. Nilinaw ni Dingdong na wala silang pinag-usapang mag-asawa tungkol sa setup nila pagdating sa trabaho.

Abala ngayon ang aktor sa taping ng bago niyang teleserye sa GMA Network na Alyas Robin Hood.

May tinatapos din siyang pelikula, ang Unmarried Wife ng Star Cinema.

Si Marian naman ay tila nagbawas ng trabaho at mas nakabantay sa anak nila.

Ayon kay Dingdong, “Alam mo, wala kaming pinag-usapan na specifically na ganyan.

“Sino ba naman kami para idikta kung ano ang dapat gawin ng panahon?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Kami ay artista lang, pero nagpapasalamat kami na yung GMA, sila na rin mismo ang tumatantiya.

“Parang alam nila what’s best for their talents, hindi na kailangang manggaling pa sa amin.

“Siguro, bilang mga magulang, habang bata pa, siya na muna, hindi rin naman sinadya.

“Parang yung first part of the year, Marian was busy with Sunday PinaSaya and her morning show and some stuff.

“Ako, hindi naman masyado, nagkataon, nagpasalamat ako na at least I was home.

“Pero ngayon namang tapos na siya sa mga shows niya, I’m doing Alyas Robin Hood and a movie, salitan naman.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dingdong Dantes admits when it comes to nurturing their baby daughter, his wife Marian Rivera is more hands-on. "Most of the work is being done by Marian. Support group lang ako," he reveals.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results