PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Maritoni Fernandez's sister Aurora Moynihan confirmed by Taguig City police as drug dealer

Maritoni Fernandez and family still mum about the death of Ma. Aurora Moynihan.
by Arniel C. Serato
Published Sep 12, 2016
Nahuli nitong nakaraang Pebrero ng Taguig City Police ang kapatid ni Maritoni Fernandez na si Ma. Aurora Moynihan dahil sa illegal drugs. Nakalaya lang daw ito dahil bailable ang kasong drug possession na kinakaharap niya. Matapos itong nakalaya, lumipat lang daw ito ng lugar ngunit nananatiling may koneksiyon sa kanyang mga parokyano.

Kumpirmadong sangkot sa isang sindikato ng illegal drugs ang napatay na nakababatang kapatid ni Maritoni Fernandez na si Ma. Aurora Moynihan.

Ayon sa Taguig City Police District, kabilang si Moynihan sa drug watchlist nila.

Sa ulat ng TV Patrol ng ABS-CBN ngayong Lunes ng gabi, September 12, sinabi ni Taguig City Police District Chief Superintendent Allen Sumeg-Ang Ocden na nitong nakaraang Pebrero lamang ay nahuli ng pulisya sa kanilang lugar si Moynihan.

Bukod kay Moynihan, may mga kasama pa itong naaresto sa isang drug den sa Brgy. Sta. Ana, Taguig City.

Nahuli mula sa kanila ang shabu, ecstasy, at marijuana.

Nakakulong pa ang mga kasamahan ni Moynihan, ngunit nakalaya siya dahil bailable ang reklamo sa kanyang drug possession.

Saad pa ni Superintendent Ocden, “After her release in prison, she had still connections but she transferred to other places like in Quezon City.”

Matatandaang nitong Sabado ng gabi, September 10, ay nabaril at napatay si Moynihan sa Temple Drive corner Giraffe Street sa Barangay Ugong Norte, Quezon City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Maritoni Fernandez's sister shot dead in Quezon City

Ayon naman sa ulat ng State of the Nation ngayong gabi, na-cremate na ang mga labi ni Moynihan kaninang umaga.

Tumanggi naman daw magbigay ng pahayag ang kanyang kapatid na si Maritoni.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
Read More Stories About
Maritoni Fernandez
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nahuli nitong nakaraang Pebrero ng Taguig City Police ang kapatid ni Maritoni Fernandez na si Ma. Aurora Moynihan dahil sa illegal drugs. Nakalaya lang daw ito dahil bailable ang kasong drug possession na kinakaharap niya. Matapos itong nakalaya, lumipat lang daw ito ng lugar ngunit nananatiling may koneksiyon sa kanyang mga parokyano.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results