Gustong linawin ni John Estrada ang nasambit niya sa question-and-answer portion sa presscon ng bagong ABS-CBN primetime series na Magpahanggang Wakas, kung saan kabilang siya sa cast.
May kinalaman ito sa ex-wife niyang si Janice de Belen. Nagkataon kasing katrabaho ni John ngayon sa naturang serye ang kapatid ni Janice na si Gelli de Belen.
Ayon kay John, “Salamat, wala naman talaga akong problema sa kanya [Gelli]. Kay Janice lang ako may problema. Kay Gelli, wala. Okay kami ni Gelli.”
Nag-ugat ang sagot na ito ni John nang hingan siya ng reaksyon ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa ibinahagi ng Magpahanggang Wakas unit head na si Ruel S. Bayani (RSB) kaugnay ng naging pag-uusap nila ni Gelli nang ialok dito ang isang role sa serye.
Tinanggap ni Gelli ang role at sinabing wala naman siyang problema kay John at magaling itong aktor.
Pagkatapos ng presscon ay kaagad nilapitan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters si John.
Seryoso ba siya sa sinabi niyang kay Janice lang siya may problema?
“Hindi!” sabay tawa ni John. “Joke yun, joke.
“Ang gusto kong sabihin doon, e, parang siya [Janice] lang naman ang may problema sa akin, hindi si Gelli.”
Since magkatrabaho sila ni Gelli ngayon, open ba siyang makatrabaho si Janice in the future?
“I think she’s vocal about it na ayaw niya akong makatrabaho, so ganun na.
“Wala naman tayong magagawa, di ba? Marami pa namang artista diyan,” biro niya.
Ano naman ang masasabi niya na magkasama sa teleseryeng Be My Lady ang asawa niyang si Priscilla Meirelles at si Janice?
“Tinatanong ko naman siya [Priscilla], ‘Kumusta? Nagpapansinan ba kayo?’
“Okay naman daw, nagpapansinan naman.”
AWKWARD. Ano naman ang first reaction niya nang malamang magkasama sila ni Gelli sa Magpahanggang Wakas?
“Well, tinanong ako ni RSB [unit head Ruel S. Bayani], ‘Okay lang ba na si Gelli ang magiging ex mo? Ex lang naman.’
“Sabi ko, ‘Direk, wala naman akong problema, okay ako doon.’
“Sabi niya, ‘Sige, kausapin ko na si Gelli.’
“So, noong kinausap niya si Gelli, wala rin namang problema.”
Papayag ba siya kung sakaling magkaroon sila ng intimate scenes ni Gelli sa serye?
Prangkang sagot ni John, “Hindi siguro mangyayari iyon… medyo awkward iyon.
“I’ll probably tell the director or RSB, ‘Sorry po, hindi ko kayang gawin iyon.’”
Hanggang kailan ba tatakbo sa ere ang serye nila?
“Wala kaming definite na time, yung peg nila is twenty weeks.”
NEXT MOVE. Samantala, katatapos lang daw ng kontrata ni John last June at sa ngayon ay per project siya sa ABS-CBN.
Totoo bang huling project na niya sa ABS-CBN ang Magpahanggang Wakas dahil may offer siya sa ibang network?
Ayon kay John, “Well, totoo naman talaga na may offer ako, but I started here sa ABS-CBN.
“Tingnan natin kung magkakasundo kami sa mga bagay-bagay.”
Pero ang serye sa ABS-CBN muna ang priority niya ngayon?
“Ay, siyempre… ako kasi, one step at a time, hindi naman puwedeng mag-commit sa iba.”
So, wala pang nangyayaring negotiation sa kabilang network?
“Well, they’ve been offering, pero wala pa yung we meet, we sit down, wala pa.
“Pero I will not deny na may mga tumatawag.”