Ilang araw pagkatapos ng malagim na pagpatay sa kanyang kapatid na si Ma. Aurora Moynihan ay naglabas na ng opisyal na pahayag ang aktres na si Maritoni Fernandez.
Nakiusap ang aktres na respetuhin ang privacy ng kanilang pamilya kasunod ng pagkamatay ng kanyang kapatid.
“We ask the public at this time to respect our need for privacy so that we may continue to heal in our own way.”
Dagdag pa ni Maritoni, “During this time, we will give due diligence to the investigation process by not making any further statements that may jeopardize the integrity of this inquiry.”
Matatandaang natagpuan ang bangkay ni Moynihan sa may Temple Drive, Brgy. Ugong Norte, Quezon City, noong Linggo ng madaling-araw, September 11.
May tama ng baril sa dibdib ni Moynihan at may nakasabit na cardboard sign sa ibabaw ng kanyang katawan: “Drug pusher ng mga celebrities, kasunod na kayo!”
Read: Maritoni Fernandez's sister shot dead in Quezon City
Kinumpirma ng Taguig City Police District na si Moynihan ay isang drug dealer at kabilang ito sa kanilang drug watchlist.
Ayon kay Maritoni, ang prayoridad ng kanilang pamilya ngayon ay ang mga anak ng kanyang nasawing kapatid.
“In the early hours of September 10th, we lost my sister Aurora Moynihan.
“We as a family have one priority and truth at this point in time and that is to protect her children from further pain and suffering so that they, and we as a family may take this time to grieve, mourn but most of all celebrate the life of this exceptional human being I will forever have the privilege of calling my sister.”
“Thank you for your understanding.”
Hanggang ngayon ay iniimbestigahan pa ng nga awtoridad kung sino ang nasa likod ng pagpatay kay Moynihan.
