PEP EXCLUSIVE. Sunshine Dizon quashes reconciliation rumors with estranged husband Timothy Tan

by Rose Garcia
Sep 13, 2016
Sunshine Dizon on status of relationship with estranged husband Timothy Tan: "As of now, kapag nag-uusap kami, talagang puro lang sa mga bata... Pero between me and Tim, what we talked lang talaga is purely sa mga bata, that's it."

Pinabulaanan ni Sunshine Dizon ang balitang nagkaayos at nagkabalikan na sila ng kanyang mister na si Timothy Tan.

Sa pamamagitan ng official statement ay ipinaliwanag ng aktres ang ilang pagkakataong binibisita ng kanyang estranged husband ang kanilang dalawang anak.

Sa naturang official statement din ay nilinaw ni Sunshine ang ulat na umatras daw ang kanyang legal counsel na si Atty. Claire Castro sa mga kasong inihain niya laban kay Timothy at sa kalaguyo diumano nitong si Clarisma Sison.

Narito ang kabuuang pahayag ni Sunshine na ipinadala niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong Martes, September 13:

“I issue this statement to clarify untruthful stories that have been published about me in gossip columns and blind items.

“First, Atty. Claire Castro did not back out as my counsel in the case I filed in relation to my marital matters.

“I asked her to withdraw from my cases, and I did so for personal reasons which I don’t need to elaborate further.

Continue reading below ↓

“Second, my husband, John Timothy Tan, continues to visit and see our children simply because he is their father. I cannot stop him if he wants to see his children.

“This, however, does not mean we have reconciled as spouses.

“A man’s relationship with his children is quite different and apart from his relationship with his spouse.

“Third, I am civil to my husband because it is what good manners require.

“But I hope no one mistakes my civility for forgiveness.

“We have cases, still pending, and in those cases I am now represented by new counsel, Atty. Reeza Singzon.

“If any information about my cases does not come from my new lawyer or from me, then what you heard is unconfirmed information and I request its immediate burial in the archives of your dead files.

“Finally, I request any person who has no involvement in my cases to please refrain from fanning the flames of gossip and intrigue.

Continue reading below ↓

“The past months have been extremely traumatic for me and my children, and our wounds are still raw.

“We beg media to help us heal, to grant us some goodwill in these matters, and to report only about truthful, verifiable facts.

“Any disinformation or erroneous report could potentially affect my cases and confuse matters further, and it’s the last thing my family needs right now.

“My children and I have suffered enough. We ask our friends in media to spare us further intrigue, and in so doing uphold their integrity as writers and broadcasters.”

NO RECONCILIATION. Nakausap ding ng PEP si Sunshine sa telepono ngayong araw upang bigyang-linaw ang mga nakasaad sa kanyang official statement.

Iginiit ng Encantadia actress na walang katotohanan ang pinapalabas ng ilang writers na okey na sila ni Timothy at tila papunta na ito sa pagkakasundo.

Saad niya, “As of now, kapag nag-uusap kami, talagang puro lang sa mga bata.

Continue reading below ↓

“Wala lang talaga akong choice kasi, at first, noong una niyang nakita ang mga bata, nagkaroon siya ng visitation rights.

“Pero kasi, hindi natin puwedeng i-discuss yun dahil may gag order ang custody case.

“Pero between me and Tim, what we talked lang talaga is purely sa mga bata, that’s it.”

Tinanong ng PEP si Sunshine kung talagang wala na silang relasyon ng asawa at kung hindi na talaga sila lumalabas bilang isang pamilya, base sa ulat na luamabas sa tabloids.

Giit niya, “Wala, wala… there was one incident na nagkataon na nasa mall ang mga bata, nandun din ako. Kasi, I had to pay some bills.

“Then, nagkataon na nang magpakulay ako ng buhok, he [Timothy] decided to have his hair cut din, and yung buhok ni Anton, at the same salon, yun lang.

“Minsan, may mga school events na gusto niya sanang um-attend, pero noong una hindi ako pumayag, kasi nga may mga ongoing na kaso.

Continue reading below ↓

“Pero kumbaga, ayoko rin kasing ma-misconstrue ng mga tao na okey kami.

“Kasi, baka gamitin nila yun against me.”

Nakasaad din sa official statement ni Sunshine na tila wala siyang choice dahil karapatan ni Tim yun bilang ama ng dalawa niyang anak.

Sabi ng aktres, “But between me and him, wala.”

Kinumpirma rin ni Sunshine na tuloy pa rin ang kasong isinampa niya laban sa asawa at kay Clarisma.

“Tuloy naman. Tuloy na tuloy naman talaga.

“I’m just waiting for them kung magbibigay na ba sila ng sagot nila. Nagpa-reset sila so wala pang reply.

“We’ll know on the 15th kung may sagot ba sila or wala.”

Sa September 15 ang susunod na pagdinig sa kasong inihain niya laban sa dalawa.

Kumusta na siya ngayon?

Sagot ni Sunshine, “Okay naman, okay naman kami.

“We’re getting by, surviving naman.”

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sunshine Dizon on status of relationship with estranged husband Timothy Tan: "As of now, kapag nag-uusap kami, talagang puro lang sa mga bata... Pero between me and Tim, what we talked lang talaga is purely sa mga bata, that's it."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results