PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Imee Marcos to critics of ex-President Ferdinand Marcos: "Hope you forgive my father."

Ilocos Norte Gov. Imee Marcos: Tao lamang siya na nagkakamali at nagkakasala.
by Bernie V. Franco
Published Sep 13, 2016
Ilocos Norte Gov. Imee Marcos is hoping that critics will forgive her late father, ex-President Ferdinand Marcos. "Sapagkat sa pagpapatawad sa aking ama, sa pagpapatawad, sana mapawi na rin ang galit nila at sila mismo ay mabigyan ng kapayapaan," she said in a speech.

Umapela si Ilocos Norte Governor Imee Marcos sa mga kritiko na patawarin ang kanyang yumaong ama na si former President Ferdinand Marcos sa mga naging kasalanan nito.

Bahagi ng pahayag ni Imee sa pagtatapos ng tatlong araw na selebrasyon ng ika-99th birthday ni Marcos sa Batac City nitong Linggo, September 11, “Anuman ang kasalanan ng aking ama, sapagkat hindi naman niya kailanman sinabi na siya ay hindi tao lamang na nagkakamali at nagkakasala.

“Sana sa kabila nito, mahanap na rin nila ang kapatawaran sapagkat sa pagpapatawad sa aking ama, sa pagpapatawad, sana mapawi na rin ang galit nila at sila mismo ay mabigyan ng kapayapaan,” dugtong pa niya sa ulat ng Balitanghali ng GMA News TV nitong Lunes, September 12.

Mainit na usapin ngayon ang paglilibing sa dating diktador sa Libingan ng mga Bayani, na ipinagpaliban muna ng Korte Suprema upang dinggin ang opinyon ng mga grupong pabor at di-pabor na magkaroon ng hero's burial si Marcos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naging pangulo ng Pilipinas si Marcos sa loob ng 20 taon.

Tumatak sa marami ang pagpapatupad niya ng martial law noong 1972 at inakusahan ang kanyang administrasyon ng maraming kaso ng human rights violations at ill-gotten wealth.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ilocos Norte Gov. Imee Marcos is hoping that critics will forgive her late father, ex-President Ferdinand Marcos. "Sapagkat sa pagpapatawad sa aking ama, sa pagpapatawad, sana mapawi na rin ang galit nila at sila mismo ay mabigyan ng kapayapaan," she said in a speech.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results