PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vina Morales on complaints filed against her by Cedric Lee: "This time, hindi ako uurong dito."

Vina Morales remains strong amidst complaints filed against her by ex-boyfriend Cedric Lee.
by Arniel C. Serato
Published Sep 13, 2016
Inamin ni Vina Morales na may mga gabing umiyiak siya dahil sa kaliwa't kanang reklamong inihain laban sa kanya ng dating nobyong si Cedric Lee. Sabi pa ng singer-actress, "There are nights na sobra akong down, I cry about it. But time will come, they will just stop these crazy things na ginagawa nila."

Tinatawanan na lamang ni Vina Morales ang mga reklamong inihain laban sa kanya ng dating partner na si Cedric Lee at kapatid nitong si Bernice Lee.

Pahayag ng singer-actress, “Siguro ang nagpapatapang sa akin ay yung pamilya ko kasi all-out support sila sa akin, e.

“At yung anak ko, lalo na, ang nagpapatapang sa akin.

“Ang mga pinagdadaanan ko just recently, it’s not a joke.

“Napakahirap nun para i-absorb lahat ng pressure at, until now, it’s still ongoing.

“At pagdating sa anak ko, medyo napaka-sensitive na bagay yun at talagang ipaglalaban ko yun.

“This time, hindi ako uurong dito.

“So, maski tahimik man ang mga kaso, I’ll let my lawyers do the thing.”

Sa ngayon, may dalawang abugado si Vina na nag-aasikaso ng mga reklamo sa kanya sa mga korte ng Nueva Ecija, Caloocan City, at Paranaque City, kung saan siya inihabla ng ilang counts ng libel nina Cedric at Bernice.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aminado si Vina na minsan ay naaapektuhan pa rin siya kapag naiisip niya ang mga reklamo ng dating kasintahan.

“Minsan nakaka-affect, nakakairita or minsan nakakalungkot, minsan nakaka-down din sa sobrang dami… ‘Hindi ba titigil ‘to?’ May ganun.

“But time will come, they will just stop these crazy things na ginagawa nila.”

Pagpapatuloy niya, “There are nights na sobra akong down, I cry about it.

“And then I realized, lahat naman itong mga pagsubok na ito ay talagang galing naman sa Kanya yun, at alam kong hindi Niya ako pababayaan.

“As long as wala akong inaagrabyadong tao, wala akong nasaktan, wala naman akong gustong apakan, so ako, malakas ang loob ko.

“Kaya siguro ako nakakatawa nang ganito kasi alam ko wala naman akong ginagawang masama sa kanila.”

May mga inihanda rin ba siyang reklamo laban kina Cedric?

“Abangan niyo na lang,” makahulugang sagot ni Vina.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Vina sa presscon ng kanyang nalalapit na concert na Vina @ Thirty, ngayong Martes, September 13.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang Vina @ Thirty ay gaganapin sa Kia Theater sa October 14.

Ilan sa kanyang guests ay sina Robin Padilla, Gary Valenciano, Ogie Alcasid, Shaina Magdayao, at Daniel Padilla.

HAPPY LOVELIFE. Pagdating naman sa kanyang personal na buhay, masasabing masaya si Vina sa piling ng French businessman boyfriend niyang si Marc Lambert.

Isang taon na ang kanilang relasyon, pero hindi naman daw siya naghahangad sa ngayon na i-level up na ito sa pagpapakasal.

Saad pa ng Born For You actress, “Kumpleto na ako as a woman, as a mother, may Ceana na ako.

“Siguro sa personal life, ayoko kasing mag-expect.

“I always say… ayokong magsalita ng tapos kasi walang makakasiguro talaga sa kung anong mangyayari sa buhay ko.

“So, I’m just playing it by ear kung saan mapupunta ang relasyon ko with my present boyfriend.

“I’m praying hard na sana ito na. Oo, bakit naman hindi?

“Hindi naman ako nakikipaglaro sa kanya. This is a serious relationship naman.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“But ending up together, it is God’s will and in God’s time.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Inamin ni Vina Morales na may mga gabing umiyiak siya dahil sa kaliwa't kanang reklamong inihain laban sa kanya ng dating nobyong si Cedric Lee. Sabi pa ng singer-actress, "There are nights na sobra akong down, I cry about it. But time will come, they will just stop these crazy things na ginagawa nila."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results