PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

James Reid on sister Lauren being dragged into Gab-Tricia breakup: "It's not true."

James Reid says sister Lauren not affected by the issue.
by Arniel C. Serato
Published Sep 14, 2016
Dinepensahan ni James Reid ang kapatid na si Lauren Reid sa pagkakadawit ng pangalan nito sa hiwalayan nina Gab Valenciano at Tricia Centenera. Magkakilala lang daw ang dalawa at hanggang doon lamang yun.

“All I have to say is it’s not true.”

Ito ang sagot ni James Reid sa pagkakaugnay ng pangalan ng kanyang kapatid na si Lauren Reid sa hiwalayan nina Gab Valenciano at Tricia Centenera.

Pagpapatuloy ng 23-year-old Kapamilya actor, “She’s the one who told me [about it].

“She said, 'You know this is out, blah, blah, but it’s not true.'”

Apektado ba si Lauren sa isyu?

Tugon ng Till I Met You star, “No. Nakalimutan na niya.”

Magkaibigan ba sina Lauren at Gab?

Ayon kay James, “They’ve met. And that’s it.”

Isa ang pangalan ni Lauren sa nabanggit ng source ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa diumano’y nakaugnay ni Gab at naging dahilan ng paghihiwalay nila ni ni Tricia.

Ang iba ay ang cosplayer at TV host na si Alodia Gosiengfiao, si Issa Pressman (kapatid ni Yassi Pressman), at ang modelong si Dani Camcam.

Itinanggi na ni Issa ang pagkakaugnay niya kay Gab, samantalang hindi pa nagbibigay ng anumang pahayag sina Alodia at Dani.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: PEP EXCLUSIVE. Gab Valenciano-Tricia Centenera split caused by infidelity and money issue, says source

Nakausap ng PEP si James sa pormal na pagpapakilala sa kanya bilang kabahagi ng #StartYourStory campaign ng Manulife Philippines.

Sa launching na ginanap sa The Brewery At The Palace, Bonifacio Global City, Taguig City, ngayong Miyerkules ng gabi, September 14, nag-perform din si James ng tatlong bagong kanta na magiging bahagi ng kanyang upcoming album.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
Read More Stories About
James Reid, lauren reid
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dinepensahan ni James Reid ang kapatid na si Lauren Reid sa pagkakadawit ng pangalan nito sa hiwalayan nina Gab Valenciano at Tricia Centenera. Magkakilala lang daw ang dalawa at hanggang doon lamang yun.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results