Sinagot ni Piolo Pascual ang tanong ng anak na si Inigo Pascual sa isang social media post ng binata kung ano dream job nito.
Noong September 9, may isang post si Inigo sa Instagram at sinabi nito sa caption na excited siyang maging estudyante muli.
Kasunod ang tanong na: “What is your dream job?”
Sa comments section, sumagot naman ang kanyang ama na si Piolo.
Sabi ng ABS-CBN prime artist, “Livin' and lovin' my dream job... and that is to take care of my best bud :) My partner... and my best friend :)
“Love you very much my ber pogi son:).”

Pinuri naman ng ibang netizens si Piolo sa kanyang sagot sa tanong ng anak.
Samantala, ipinagdiwang ni Inigo ang kanyang 19th birthday nitong Miyerkules, September 14.
Kaugnay nito, ipinost ni Piolo sa Instagram ang picture nila ni Inigo noong bata pa ito kalakip ang birthday message sa anak.
Mensahe ni Piolo kay Inigo: “Happy birthday my dear son:) may your day be filled with Godly thoughts and your year full of His blessings.
“I love you very much.
“May you find your life in Christ.”
