Hanggang ngayon ay hindi raw sigurado si Alex Gonzaga kung nanliligaw sa kanya ang leading man niya sa pelikulang My Rebound Girl na si Joseph Marco.
Kung matatandaan, na-link ang dalawa matapos nilang magtambal sa Kapamilya teleseryeng Pure Love, pero naunsiyami ito.
Ang dahilan nga raw ay naging abala na si Alex sa teleseryeng Inday Bote, samantalang si Joseph nama'y naubos ang oras sa Pasion De Amor, kaya nawalan na sila ng panahon sa isa't isa.
Gayunpaman, inamin ni Alex na hindi naman siya tuluyang nakalimutan ni Joseph.
Nagpatuloy pa rin naman daw ang komunikasyon nila sa isa't isa.
Pahayag ni Alex nang tanungin kung nanliligaw sa kanya ngayon ang kapwa Kapamilya star, “Actually, hindi ko rin alam.
“Si Joseph, never siyang nawala sa radar ko.
“Alam mo, yung time na hindi kami magkatrabaho, nandiyan pa rin siya anytime.
“Lagi pa siyang nangungumusta sa akin, lagi pa ring nagyayaya.
“So far, yun lang.
“Consistent naman yung existence niya sa buhay ko.”
Kung sakaling pormal na ngang manligaw sa kanya si Joseph, papasa ba naman ito sa kanya?
Diretsahang sagot ni Alex, “Siguro naman, puwede naman.
“Kasi ang maganda kay Joseph ay very mysterious siya, e.
“Hindi naman siya yung guy na out there, ang dami mong alam sa past niya.
“Si Joseph, he's very mysterious, na alam niya yung buhay niyang personal na iba sa showbiz.
“So, I think, puwede naman.”
Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang miyembro ng press ang lead actress ng My Rebound Girl pagkatapos ng presscon proper ng nasabing pelikula, na ginanap sa Valencia Events Place, sa Valencia St., Quezon City, kahapon, September 14.
BOYFRIEND MATERIAL. Ano naman ang qualities ni Joseph na sa tingin ni Alex ay papasa sa kanya bilang boyfriend?
Aniya, “Kasi ngayon, na-realize ko na after entertaining suitors na hindi naman napu-push through, parang I want someone who will accept me for who I am.
“Who will accept my imperfections, yun lang.
“Kasi, di ba, minsan ay may mga ayaw ka sa sarili mo, tapos may mami-meet ka na someone who will take them against you pa, yung mga ayaw mo sa sarili mo.
“So, mas masakit yun.
“With Joseph, he's very accepting, since siguro may friendship talaga kami.
“Hindi namin kailangang mag-pretend isa isa't isa.”
Bakit ba hindi niya direktang matanong si Joseph kung nanliligaw ba ito sa kanya? O ano ang plano nito sa kanya?
Paliwanag ni Alex, “Ayaw ko namang ganyan, parang naaano ako.
“Basta, with me and Joseph, kapag nag-uusap kami ng ganun, parang nauok-ok ako, kasi may ginagawa kaming pelikula.
“Ayaw ko namang...”
Dumalaw na ba ito sa kanilang bahay?
“Hindi pa unannounced na pumupunta.
“Pero si Joseph, palaging... ewan ko na baka generous lang siyang tao, lagi siyang may inaabot sa akin.
“Appreciated ko naman.”
Pero si Joseph ba ang tipo ng lalaking puwede niyang ipakilala at iharap sa kanyang mga magulang?
Sagot ni Alex, “Kilala naman nila [ng parents niya].
“Pero as a boyfriend, malalaman ko 'yan kung manliligaw talaga siya sa akin.”
Ganunpaman, masaya raw si Alex na kahit minsan ay hindi naputol ang kanilang pagiging magkaibigan, at hindi niya ina-assume na mauuwi ito sa isang mas malalim na relasyon.
