Handa raw talikuran ni Vina Morales ang kanyang showbiz career kapag dumating na ang panahong yayain siyang magpakasal at sa ibang bansa manirahan ng boyfriend niyang si Marc Lambert.
Pahayag ng singer-actress, “Yun na nga ang iniisip ko.
“Napakalaking decision niyan for me, especially I have Ceana [her daughter].
“But if it’s for the good for the three of us, why not?
“I can go back and forth. I can still work here naman, but definitely magli-lay low ako kapag ganun yung mangyayari.
“But for now, ayoko munang isipin, kasi wala pa naman kami sa stage na ganun talaga.
“But we’re very sure that we both love each other, there’s no doubt about that.
“But when it comes to, about this future, ayokong unahan, hintayin ko na lang.
“Hihintayin ko na lang.”
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press si Vina sa presscon ng kanyang nalalapit na concert na Vina @ Thirty, noong Martes, September 13.
VINA @ THIRTY. Siyam na taong gulang lamang nagsimula si Vina sa showbiz industry.
Mula sa pagiging singer, pinasok din niya ang pag-arte at pagpi-perform sa malalaking venue.
Kaya naman sa ikatlong dekada niya sa industriya, isang malaking selebrasyon ang inihanda ni Vina para sa kanyang mga tagahanga.
Ito ay ang kanyang concert na Vina @ Thirty na gaganapin sa Kia Theater sa October 14.
Aniya, “This one, I am really looking forward because I’ll be working with people who are very special to me.”
Ang producer ng concert ay ang best friend ni Vina na si Pops Fernandez, at ang direktor naman ay si Johnny ‘Mr. M’ Manahan.
Sabi pa ni Vina, “I’m really excited. Thirty years in the business, in any business, ha, that’s really a long time.
“Yung three decades na yun, I don’t know where to start, thanking everyone for all the support all these years for thirty years.
“And I’m still looking forward for more years to come.”
Ilan sa kanyang guests ay sina Robin Padilla, Gary Valenciano, Ogie Alcasid, Shaina Magdayao, at Daniel Padilla.
