PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Maya unfazed by basher calling BF Geoff Eigenmann "pabida, laki ng tiyan"

Maya: Nung ipinakita niya sa akin, natawa lang din ako.
by Rachelle Siazon
Published Sep 15, 2016
"Nakita ko nga. Wala lang. Nung ipinakita niya sa akin, natawa lang din ako," said Kapamilya singer Maya when asked about a basher's Instagram message to her boyfriend Geoff Eigenmann. 

Inamin ng singer na si Maya na alam niya ang tungkol sa pambabatikos na natanggap ng nobyong si Geoff Eigenmann kamakailan.

Sabi ni Maya, “Nakita ko nga. Wala lang. Nung ipinakita niya sa akin, natawa lang din ako.”

Mismong si Geoff ay isinapubliko ang private message na natanggap niya mula sa isang netizen.

Dito ay tinawag ng netizen si Geoff na “pabida, laki pa ng tiyan, at wala ka pang leeg.”

aww more fan love! even created a new account just to dm me, so sweet ????

A photo posted by eigenmann (@g_eigenmann_) on


HATERS GONNA HATE. Sa parte ni Maya, hindi raw sila apektado ng nobyo sa masasakit na salitang binitiwan ng basher.

Paliwang ng dalaga, “E, kasi, ganun naman talaga, e. Haters gonna hate.

“Parang sign din yun na nagsa-succeed ka. Ayoko na magsalita about dun...”

Si Maya ay kalahati ng bagong acoustic duo na Migz & Maya — o kilala rin bilang sina Miguel Haleco at Angeli Mae Flores.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Maya pagkatapos ng kanilang debut album presscon na ginanap sa 9501 restaurant sa ABS-CBN compound, nitong Huwebes, Setyembre 15.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon kay Maya, suportado ni Geoff ang pagsabak niya sa local music scene.

Minsan na rin kasing nakilala si Maya bilang bahagi ng Pan-Asian girl group na Blush.

Paglalarawan ng dalaga tungkol sa relasyon nila ni Geoff, “Very supportive [kami sa isa’t isa].

“Kasi parang ngayon nagiging inspiration namin ang isa’t isa.

“Like, kahit anong mangyari, nandiyan kami for each other.”

Mag-iisang taon na raw silang magkarelasyon ni Geoff.

“First time ko na celebrity boyfriend!” natatawang pag-amin ni Maya.

Tinanong ng isa pang entertainment reporter kung paano hina-handle ng singer ang pakikipagrelasyon sa isang kilalang aktor.

Sagot ni Maya, “It’s like, what?! Mahirap siya. Pero at the end of the day, you know, it’s all about love.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Nakita ko nga. Wala lang. Nung ipinakita niya sa akin, natawa lang din ako," said Kapamilya singer Maya when asked about a basher's Instagram message to her boyfriend Geoff Eigenmann. 
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results