PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

John Lloyd Cruz relates experience at Venice Film Festival

John Lloyd Cruz on Ang Babaeng Humayo's win: That's really a defining moment for Philippine cinema.
by Melba R. Llanera
Published Sep 16, 2016
John Lloyd Cruz on being part of Ang Babaeng Humayo: "This is history para sa bansa natin, napaka-importante. Baka tingin ninyo it's another independent film, nanalo sa ibang bansa. Hindi lang po yun, we're talking about history here."

Ibinahagi ni John Lloyd Cruz ang naging karanasan niya sa pagdalo sa Venice International Film Festival sa Italy nitong nakaraang weekend.

Kabilang si John Lloyd sa delagsyon ng Main Competition entry na Ang Babaeng Humayo, kasama ang lead actress na si Charo Santos-Concio at ang direktor ng pelikula na si Lav Diaz.

Nakamit ng Ang Babaeng Humayo ang pinakamataas na parangal sa nasabing film festival, ang Golden Lion.

Read: Lav Diaz film Ang Babaeng Humayo wins Golden Lion in Venice; beats movies starring Keanu Reeves, Emma Stone

Saad ni John Lloyd, “Siyempre nakaka-proud, defining moment for Philippine cinema.

“Nung nandun kami sa mismong auditorium, lahat ng mga nominees, lahat ng nag-participate sa main competition, short, lahat nandun.

“For the highlight, tinawag yung pangalan ng direktor mo, that’s really a defining moment for Philippine cinema ‘coz first time ito for the whole Southeast Asia.

“Maraming mga Pinay ang nagtatrabaho dun sa that side of Italy, pero siyempre marami ding trabaho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero marami pa ring nagpakita ng suporta, especially yung mga taga-Lido, taga-Venice, nagpapasalamat kami.

“Alam mo naman sa ganyang bahagi ng bansa, yung bawat oras, trabaho nila yun, malaki ang kapalit nun pag nag-skip sila ng trabaho.

“So, nagpapasalamat talaga ako.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si John Lloyd sa taping ng ABS-CBN sitcom na Home Sweetie Home noong Martes, September 13.

MA'AM CHARO. Naging daan din daw ang pagsasama nila sa pelikula ng dating presidente ng ABS-CBN na si Charo Santos-Concio para makita ni John Lloyd ang side nito bilang isang artista.

Saad niya, “Napakagandang experience, kasi yung buong buhay ko, imagine, kilala ko siya bilang boss ko dito [sa ABS-CBN], si Ma’am Charo from Maalaala Mo Kaya.

“Yun lang ang pagkakakilala ko sa kanya, saka pag nabibigyan kami ng pagkakataon na makipagkuwentuhan dito sa bakuran natin.

“Pero bukod dun, hindi ko talaga alam kung paano siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ang ganda ng naging experience namin sa Mindoro nung nagsu-shoot kami.

“Wala, hindi mo makikita lahat ng… she was totally professional.

“Isa lang ang kasa-kasama niya, napakasimple lang ng proseso ng lahat, napakasimple lang.

“Napakalaki ng naitulong nito sa akin, siyempre kung ano naman ang kaya mong i-deliver, medyo dependent din yun sa kung ano ang makukuha mo from your co-actor.

“Napaka-generous niya in that sense.”

CHALLENGING ROLE. Bagamat hindi binanggit ni John Lloyd kung ano ang role niya sa Ang Babaeng Humayo, nailathala na sa ilang reviews ng pelikula na isang transsexual ang gingampanan niya rito.

Sabi niya tungkol sa kanyang role, “Well, oo, we always welcome kung ano yung challenging.

“We always welcome kung ano yung complex at kung saan tayo mas matututo.

“Hindi ko masabi kung ano yung role but it’s a very complex role.

“Mas maganda yung role ni Ms. Charo ang pag-usapan.

“Panoorin ninyo na lang pag lumabas.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“September, sana, kasi we’re aiming na mas mabilis na petsa kung kailan siya mapapalabas. The earlier, the better.

“Ang importante ay mapanood nito ng sambayanan.

“Ano po ito, history, this is history para sa bansa natin, napaka-importante.

“Baka tingin ninyo it’s another independent film, nanalo sa ibang bansa.

“Hindi lang po yun, we’re talking about history here.

“Talagang nung mga sandaling yun, I think Lav Diaz was able to elevate Philippine cinema.”

Ito ang pangalawang beses na naidirek ni Lav si John Lloyd sa pelikula.

Una ay sa 8-hour epic movie na Hele Sa Hiwagang Hapis, na nanalo naman ng Silver Bear sa Berlin International Film Festival ngayong taon din.

Sabi ni John Lloyd, “It’s always interesting to work with Lav, always, kasi hindi mo lang alam kung ano ang mangyayari.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
John Lloyd Cruz on being part of Ang Babaeng Humayo: "This is history para sa bansa natin, napaka-importante. Baka tingin ninyo it's another independent film, nanalo sa ibang bansa. Hindi lang po yun, we're talking about history here."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results