PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jona dismisses competition among ASAP Biriteras

Jona feels more confident now that she's part of ABS-CBN.
by Rey Pumaloy
Published Sep 16, 2016
Jona on being part of ASAP Biriteras: "Pakiramdam ko, mas lumalim yung appreciation ko sa pagkanta. Kasi dati, parang makakanta lang ng matataas na songs, okey lang. Nahihirapan ako dati maglagay ng emosyon sa kanta. Pero ngayon, pakiramdam ko, mas nai-incorporate ko na yung lalim sa pag-awit. Mas naiintindihan ko yung pagkanta."

Isang sorpresa kay Jona (dating Jonalyn Viray) ang nalamang feedback na nai-intimidate daw ang ibang mga biritera ng ASAP sa kanya at kay Kyla dahil sa husay nilang kumanta.

Sina Jona at Kyla ay parehong galing sa GMA Network at musical-variety shows na SOP, Party Pilipinas, at Sunday All Stars.

Nakangiting reaksyion ni Jona, “Hindi ko po alam kung ano ang masasabi ko, actually yung mga tao may kanya-kanya rin po silang opinion.

“May iba nagsasabi na nagagalingan sa amin ni Ate Kyla.

“Meron namang iba, mas favorite at mas manok nila yung ibang artist.

“Nirerespeto ko naman po lahat ng opinyon ng mga tao.”

Ipinagdiinan din ni Jona na walang rivalry sa kanilang ASAP Biriteras pagdating sa mga production number nila.

Kasama niya sa grupo sina Angeline Quinto, Morisette Amon, at Klarisse de Guzman,

Paglilinaw ni Jona, “Siyempre, pagdating sa presentation sa TV, nagmumukha siyang showdown.

“Pero meron kaming understanding na apat na kahit ganito ang presentation, magkakaibigan po kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kapag turn mo na, kailangang ibigay mo yung best mo, lahat ng makakaya mo.

“Pero kapag all together na kami, dapat pantay-pantay kami na walang sapawan, walang lamangan.

“In fairness naman sa department ng ASAP, kay teacher Annie na nagku-coach sa amin when it comes to harmonizing, talagang equal parts po yung ibinibigay sa amin.

“Kunwari, for this week si Angge [Angeline] ang tataas, tapos next week ako naman yung kukuha ng mataas, next time si Morisette…

“May assignments po. Take turns po.

“Kasi minsan, may mga fans na nag-aaway-away sila, ‘Bakit ganito? Ganito-ganito lang yung ibinigay kay ano?’

“Assignments po yun. Maghintay lang tayo. Kasi ikutan lang ‘yan.”

JONA AS KAPAMILYA. Malaki na raw ang nabago kay Jona mula nang lumipat siya sa Kapamilya network galing sa GMA-7.

Saad niya, “Aside from pinaiksi yung pangalan ko, pakiramdam ko nadagdagan pa yung confidence ko.

“Pakiramdam ko, mas lumalim yung appreciation ko sa pagkanta.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Kasi dati, parang makakanta lang ng matataas na songs, okey lang. Nahihirapan ako dati maglagay ng emosyon sa kanta.

“Pero ngayon, pakiramdam ko, mas nai-incorporate ko na yung lalim sa pag-awit. Mas naiintindihan ko yung pagkanta.”

Hindi nag-alinlangang sabihin ni Jona na mas nakakaramdam siya ng importansiya sa bakuran ng ABS-CBN, na siya ngayong mother studio niya.

Sabi pa ng Pinoy Pop Superstar champion, “Yes, nararamdaman ko po.

“Kasi nung nag-start ako, 15 years old pa lang po ako, wala pa po akong malay.

“Ngayong eleven years na po ako sa industry, mas naa-appreciate ko lahat.”

Mula nang maging Kapamilya si Jonalyn, maraming opportunity raw ang dumating sa kanya at mas dumami ang appearance niya abroad.

“Yun nga po, nagpapasalamat po ako dahil in a short time na nandito ako sa ABS-CBN, nabibigyan ako ng magagandang projects.

“May mga projects na hindi ko ini-expect talaga, pero nakakasama ako, like nakasama ako sa ASAP New York.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hindi ko inaasahan pero ang bilis ng panahon.”

Hindi rin daw siya nakaranas na pinagmalditahan siya ng ibang mga artist ng ABS-CBN.

Sabi ni Jona, “Ever since na lumipat ako sa Kapamilya network, parang ang gaan.

“Napaka-welcoming po ng attitude nila, mapa-artista, mapa-staff, mapa-executive, mapa-boss.”

Ipagpapatuloy lang daw ni Jona ang kanyang singing career sa ABS-CBN dahil ito ang naging pasaporte niya para makatungtong sa istasyon at maging artist nito.

LA DIVA. Bagamat isa nang Kapamilya, nananatili pa rin rin daw ang friendly relationship ni Jona sa mga kasamahan niya noon sa Kapuso network.

Posible nga raw imbitahan niya ang mga ito sa pinaplanong big anniversary concert niya.

Isa sa mga matagal nang tanong kay Jona ay kung naayos na ba ang isyu sa kanila ng mga kasamahan niya dati sa grupong La Diva, na kinabibilangan din nina Aicelle Santos at Maricris Garcia.

Tugon ni Jona, “Well, hindi naman po talaga napag-usapan na, ‘O, okay tayo.’ Hindi naman direktong napag-usapan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sa wedding po ng isang friend namin na tiga-showbiz, nagkita kami nina Maricris, at yun, nakapag-casual na usapan, okey naman po.

“Okey naman po.

“Pag nagkikita kami, hindi naman nagdi-deadmahan. Nakakapag-usap naman kami.”

GABAY GURO. Samantala, malaking bahagi raw sa buhay ni Jona ang high school teacher niya noong wala pa siya sa showbiz at hindi pa siya kilala bilang isang mahusay na mang-awit.

Ang kabutihang ipinaramdam sa kanya ng guro ang dahilan kung bakit boluntaryo at walang bayad na magtatanghal si Jona sa 9th Gabay Guro Teacher’s Tribute show, na gagawin sa MOA Arena sa September 25.

Libre ring magtatanghal sina Sharon Cuneta, Lea Salonga, Regine Velasquez-Alcasid, Ogie Alcasid, Pops Fernandez, Martin Nievera, Gary Valenciano, Vina Morales, James Reid, Nadine Lustre, at marami pang iba.

Ang Gabay Guro ay isang charity event mula sa PLDT-Smart Foundation, na ang advocacy ay tulungan ang mga guro sa buong panig ng Pinas upang maiangat ang kanilang antas at magkaroon ng iba pang pagkakitaan maliban sa pagtuturo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jona on being part of ASAP Biriteras: "Pakiramdam ko, mas lumalim yung appreciation ko sa pagkanta. Kasi dati, parang makakanta lang ng matataas na songs, okey lang. Nahihirapan ako dati maglagay ng emosyon sa kanta. Pero ngayon, pakiramdam ko, mas nai-incorporate ko na yung lalim sa pag-awit. Mas naiintindihan ko yung pagkanta."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results