Muling magkasama ang magkasintahang Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli sa Cebu para sa panibagong adventure.
Base sa mga larawan na lumabas sa social media kahapon, September 15, magkasama sina Sarah at Matteo na pumunta sa whale shark watching site sa Oslob, Cebu.





Maraming fans ang nagsasabing espesyal ang adventure na ito nina Sarah at Matteo dahil tila selebrasyon na ito ng ikatlong taon nila bilang magkasintahan.
Walang anumang eksaktong petsa na ibinigay ang dalawa kung kailan sila opisyal na naging magkasintahan.
Ngunit matatandaang sa panayam kay Matteo ng The Buzz noong August 2014, sinabi niya na malapit na silang mag-one year ni Sarah.
Read: Matteo Guidicelli reveals details of how Sarah Geronimo said 'yes' to him