Angeli Valenciano on son Gab and Tricia Centenera breakup: "Not everything you read is true."

by Arniel C. Serato
Sep 16, 2016
Nakiusap si Angeli Pangilinan-Valenciano na hayaan ang kanilang pamilya na ayusin ang gusot sa pagitan ng anak na si Gab Valenciano at ng misis nitong si Tricia Centenera in private. Ito ay matapos maging malaking usapin sa showbiz ang hiwalayan ng dalawa na nag-ugat diumano sa pambababae at pera.

Nagsalita na ang ina ni Gab Valenciano na si Angeli Pangilinan-Valenciano tungkol sa hiwalayan ng anak at ng asawa nitong si Tricia Centenera.

Ayon sa asawa ni Gary Valenciano, usaping pamilya ito at nais nila itong ayusin in private.

Dagdag pa ni Angeli, sensitibong usapin ito kaya mahirap maglabas ng karagdagang pahayag.

Narito ang buong pahayag ni Angeli na ipinadala niya kay Mario Dumaual ng ABS-CBN:

“The Valencianos' stand: This is a family matter.

“Not everything you read is true. Everyone makes mistakes.

“But this is a too sensitive matter to simply make statements about.

“We request for privacy as we try to handle this hurdle in our life with wisdom and faith.”

Matatandaang yumanig sa mundo ng showbiz ang hiwalayan nina Gab at Tricia nitong nakaraang buwan dahil diumano sa infidelity at pera.

Hindi kasi ordinaryo ang love story ng dalawa dahil tatlong beses silang ikinasal, ngunit matapos lamang ang lagpas isang taon ay nauwi rin ito sa hiwalayan.

Continue reading below ↓

Read: PEP EXCLUSIVE. Gab Valenciano-Tricia Centenera split caused by infidelity and money issue, says source

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nakiusap si Angeli Pangilinan-Valenciano na hayaan ang kanilang pamilya na ayusin ang gusot sa pagitan ng anak na si Gab Valenciano at ng misis nitong si Tricia Centenera in private. Ito ay matapos maging malaking usapin sa showbiz ang hiwalayan ng dalawa na nag-ugat diumano sa pambababae at pera.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results