PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Alex Gonzaga on being courted by Joseph Marco: "May time na parang feeling ko, oo."

Alex Gonzaga says she entertains suitors, hoping to meet the one.
by Rose Garcia
Published Mar 4, 2017 | Updated Sep 17, 2016
Is Joseph Marco courting Alex Gonzaga? "May time na parang feeling ko, oo. Kung siguro pumunta na si Joseph sa bahay ko unannounced, baka yun pa… hindi ko alam," she says.

Hindi nagtapos ang intriga kina Alex Gonzaga at Joseph Marco nang magwakas ang pinagtambalan nilang teleserye sa ABS-CBN noong 2014, ang Pure Love.

Patuloy pa rin ang usap-usapang may gusto at nagpaparamdam si Joseph sa nakakabatang kapatid ni Toni Gonzaga.

At ngayong bida si Alex sa pelikula ng Regal Films na My Rebound Girl, siya ba ang pumili kay Joseph bilang leading man niya?

Paglilinaw ng Kapamilya actress-TV host, “Hindi, noong sinabi sa akin na My Rebound Girl with Joseph Marco, automatic nag-yes na agad ako.

“Hindi ko na kailangang i-work out ang chemistry or wala na akong dapat na ipag-adjust.

“Kilala ko naman talaga si Joseph.”

For the record, nanliligaw ba sa kanya si Joseph?

Sagot ni Alex, “For the record, hindi ko rin alam, kasi hindi ko alam kung nagpaparamdam siya or seryoso siya.”

Mixed signal?

“Yes,” pakli niya, “well, actually, hindi naman mixed signal, pero may time na parang feeling ko, oo.”

Hanggang saan yung pagpaparamdam ni Joseph na nararamdaman niya?

“May time na may ibinibigay siya sa akin, touch na touch akong talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Noong parade, noong Valentine’s day, binigyan niya ako ng bracelet.

“Nagulat ako, kasi may parade ang daddy ko dahil campaign ng daddy ko.

“Kailangan ko ng mga kaibigan, at si Joseph, isang text lang, go na agad na siya, may pa-gift pa siya sa akin.”

Hindi kaya yun na yun?

“Ayokong mag-assume, kung siguro pumunta na si Joseph sa bahay ko unannounced, baka yun pa.

“Yung kahit ako, hindi ko alam.”

STILL SINGLE. Dahil nali-link nga sila ni Joseph, may balitang hindi naman talaga siya loveless, at may non-showbiz din siyang boyfriend.

“Talaga?” balik-tanong naman ni Alex.

“Hindi, kasi ngayong taong ito, nag-e-entertain akong talaga.

“Wala akong dyows ngayon, entertain-entertainin ako.

“Kung meron man na napupusuan ako, sana nga magtuluy-tuloy kasi palagi ngang hindi natutuloy.

“Meron dapat, pero palaging hindi naman siya nagtatagal, so yun.”

Madalas na sinasabing mahigpit ang Mommy Pinty nila ni Toni pagdating sa mga nanliligaw sa kanila. Mas maluwag na ba ang mommy ni Alex sa kanya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Parang medyo lumuwag na siya… parang hinintay lang niyang magpakasal ang ate ko... hindi, joke!” natawang sabi niya.

Patuloy ni Alex, “Parang mas ano na siya ngayon dahil ano na naman ako, pero strict pa rin siya sa curfew.

“Tapos kapag may nagkakagusto sa akin, kapag alam kong hindi siya approve, hindi ko na talaga tinutuloy.”

Ang Ate Toni niya ay naghihintay na lang ng araw ng panganganak sa panganay nila ni Paul Soriano.

Baling namin kay Alex, mala-Direk Paul din ba ang hanap niya na pangseryosohan na?

Sabi niya, “Oo naman, alangan naman na gusto kong magpapalit-palit.

“Siyempre, gusto ko ng may makasama ka na at talagang may magtitiis sa ‘yo, tiis talaga!

“May tatanggap sa ‘yo, may magtatagal talaga sa ‘yo.

“Yung talagang wala kang balak iwan, siyempre yun ang gusto mong makasama.”

Naisip pa ni Alex isingit si Joseph.

Aniya, “Si Joseph, in fairness, for the past two years, nandiyan lang talaga siya for me.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Is Joseph Marco courting Alex Gonzaga? "May time na parang feeling ko, oo. Kung siguro pumunta na si Joseph sa bahay ko unannounced, baka yun pa… hindi ko alam," she says.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results