Paolo Contis reacts to alleged celeb list in anti-drug crackdown

IMAGE Noel Orsal

Paolo Contis believes it's unfair for celebrities to be unlawfully accused or tagged as drug users without due process: "Para sa akin siguro nagkaroon na ng konting kulay na unfair because nailabas na yung iba. If to begin with, naging ganun na lahat ng pangyayari, okay sana yun, kasi naniniwala rin naman ako na whoever will be positive or negative has the right to explain themselves muna, di ba?"


Sinadya ni Paolo Contis na magpakalbo para sa papel niya sa Alyas Robin Hood bilang si Daniel Acosta, isang mabait at matinong pulis.

“Oo, actually ang role ko kasi para akong si Bato, kasi pulis.”

Si Ronald “Bato” dela Rosa ay ang director general ngayon ng Philippine National Police.

Pagpapatuloy pa ni Paolo sa kanyang role, “Clean-cut, anti-drugs, mabait akong pulis.”

Nabanggit na rin lang ang tungkol sa drugs, pabor daw si Paolo sa kampanya ng gobyerno laban sa mga taga-showbiz na gumagamit ng droga.

Sabi niya, “Oo, bakit hindi?

“If it does not… ang alam ko kasi, ang mga ganyang bagay, bawal naman ang sapilitan, di ba?

“Pero if you have nothing to hide, and if you can actually be an inspiration to other people, para linisin din ang pangalan ng ibang mga co-actors mo sa industriya, bakit hindi, di ba?”

Hindi ba siya pabor na gawing compulsary ang drug-testing sa mga taga-showbiz?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ni Paolo, “Ako, sige! Bakit hindi?

“Kasi sa totoo lang, we also owe it to our work, na hindi ka pahirap, na maging maayos kang katrabaho.

“We’re paid to work properly, not be drugged.

“So, kung gawing compulsary, bakit hindi?”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Paolo sa presscon ng bagong GMA primetime series na Alyas Robin Hood noong nakaraang linggo.

AGAINST TRIAL BY PUBLICITY. Pabor ba siya sa nais ng iba na huwag basta ilabas ang listahan ng mga artistang pinaghihinalaang nagdodroga at kausapin muna ang mga ito nang palihim?

Ito'y sa kabila ng bali-balitang may mga pangalan nang lumulutang na nagda-drugs diumano.

Saad ni Paolo, “Para sa akin siguro, nagkaroon na ng konting kulay na unfair because nailabas na yung iba.

“If to begin with, naging ganun na lahat ng pangyayari, okay sana yun.

“Kasi naniniwala rin naman ako na whoever will be positive or negative has the right to explain themselves muna, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi minsan, especially sa industriya natin, mahirap bumalik sa mga bagay na makakasira sa iyo, di ba? Especially kung hindi naman totoo.”

Pabor ba siyang kausapin muna ang mga nasa listahan ng kani-kanilang network at hindi basta ilabas ang kanilang mga pangalan sa publiko?

Sagot ni Paolo, “Hindi ko masasabi kasi nasimulan na ng biglang labas, e.”

Para sa iba ay unfair na kausapin muna ang mga taga-showbiz, samantalang sa ibang sektor ay inilabas nang walang anumang usapan ang mga pangalan ng mga ito, tulad ng ilang mga pulis at pulitiko.

“Ayoko rin naming isipin ng mga tao na palibhasa kami, e, merong favoritism o merong ano, di ba?

“So, kung ano yung tama, kung ano yung pantay-pantay na walang makakasira sa government na way of governance ni [Pangulong Rodrigo Duterte], bakit hindi?” pahayag ng Kapuso actor.

HAPPY FOR FELLOW CELEBS' INITIATIVES. Natutuwa raw si Paolo sa mga artistang boluntaryong nagpa-drug testing.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Good, good for them!

“It’s a good start, it’s a good start.

“To inspire other actors na maging ganun din, di ba?

“I think it’s a good start.”

Si Paolo ay very much willing na magpa-drug test.

“Bakit hindi?”

In fairness kay Paolo ay never naman siyang nagkaroon ng isyu o intriga tungkol sa droga.

“Oo, e. Wala naman e, never akong naging ano sa ganyan.

“Healthy living ako,” diin niya.

LOSING THIRTY POUNDS FOR ROLE. Bago napasama si Paolo Contis sa cast ng Alyas Robin Hood ay huli siyang napanood sa Little Nanay.

Sa pagitan nito ay nag-workout si Paolo sa gym bilang preparasyon sa papel niya sa Alyas Robin Hood.

“Well, kasi hindi naman ako nawawalan ng Bubble Gang, e.

“So, nagpahinga ako, tapos nagba-Bubble Gang lang ako.

“And then, since nasabihan ako dito [Alyas Robin Hood] nang maaga, I was able to train sa gym, to lose weight, kasi I gained a lot of weight.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi hindi ko napapaghandaan yung mga show, kasi yung Little Nanay guest lang ako dapat.

“Tapos humaba, so pumasok ako sa gitna, so hindi ko siya napaghandaan.

“At least ito napaghandaan ko, so I was able to lose thirty pounds for the role,” pagmamalaki niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN