Hindi pinalampas ni Pauleen Luna ang akusasyon ng isang netizen na nagpapanggap lang daw siya na kinikilig sa tambalang Alden Richards at Maine Mendoza.
Nag-ugat ito sa kumalat na larawan nina Alden at Maine na kuha noong September 12 episode ng Eat Bulaga!
Makikita sa background ng larawan na nakangiting nanonood si Pauleen at iba pang staff sa phenomenal tandem.

Nagpatutsada ang Instagram user, na may handle name na @beh_bat, na diumano’y mas pabor si Pauleen sa Eat Bulaga! co-host na si Patricia Tumulak para kay Alden.


Agad na inalmahan ni Pauleen ang paninira ng netizen sa kanya.
Buwelta ni Pauleen: “@beh_bat I seriously do not understand what you're talking about. Mahirap makipag-usap sa taong sarado ang utak at nakikinig at naniniwala lang sa sarili niya.”
Giit ni Pauleen, hindi siya magpapadikta sa malisyosong pananaw ng iba.
“So, ang ibig mo bang sabihin dahil hindi namin puwede maging kaibigan si Patricia dahil sa 'akala' niyo eh sila ni Alden? Na 'wag namin siya pansinin dahil AYAW NIYO?
“Sorry, hindi masama ang ugali namin, at mas lalong hindi kami sinungaling. Believe what you want to believe. Kami masaya lahat dito. Sana ikaw rin! God bless you!”

