PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ken Chan shuns comparison with Paolo Ballesteros

Ken Chan: Si Paolo Ballesteros na 'yan, hawak na niya yung trono na yun, sa kanya yun.      
by John Fontanilla
Published Sep 19, 2016
Ken Chan bows to Paolo Ballesteros, a huge supporter when he was doing Destiny Rose. He relates, "Nung ginagawa ko yung Destiny Rose, nagti-text siya sa akin kung ano mga techniques na dapat kong gawin. Si Paolo Ballesteros na 'yan, hawak na niya yung trono na yun… humiram lang ako ng konti sa kanya and sobrang na-appreciate ko yung mga tulong niya sa akin."

Madalas sabihin ni Ken Chan sa mga interview na hindi muna siya gaganap ng mga papel tulad ng ginampanan niya sa dating GMA afternoon series na Destiny Rose.

Umani ng papuri at tumanggap pa ng parangal si Ken dahil sa pagganap niya bilang transsexual sa naturang teleserye.

Pero nag-iba yata ang ihip ng hangin dahil ngayon ay sinasabi niyang bukas siyang makatrabaho si Paolo Ballesteros, na kilala sa kanyang make-up transformations at pagdadamit-babae, kahit na pa-girl ulit ang role niya.

Sabi ni Ken sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Oo naman, malaking karangalan sa akin yun.

“Alam naman natin kung gaano siya kagaling. Lahat yata ng mukha ng mga sikat na female celebrities kaya niya.

“Alam naman natin na hindi lang dito sa Pilipinas kinikilala ang galing niya kung hindi maging sa ibang bansa. And lagi siyang trending.

“Iba siya, sobrang galing talaga niya.

“Isa siya sa dahilan kung bakit nagawa ko nang maayos yung Destiny Rose, tinulungan niya ako.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dagdag pa niya, “Hindi lang kasi ako ang magde-decide sa pagtanggap ng projects.

“Pero kung ako lang, oo naman, bakit hindi?

“Kasi promise ko sa sarili ko, hindi ako mamimili ng role.

“Ang mahalaga, may trabaho at maganda yung proyekto na ino-offer sa akin.

“Kung ano man yung proyekto na ibibigay sa akin, I’ll do it.

“Like si Tito Dolphy [the late comedian], lahat kaya niya gawin, idol ko din siya.

“Pero iba na rin kasi ang kalakaran ngayon.

“I think susundin ko na lang ang management [GMA Network] kung ano yung plans nila sa akin.”

BEYOND COMPARE. Sabi pa ni Ken, ayaw niyang makumpara kay Paolo.

Tulad ni Ken ay napakahusay ding gumanap na transgender si Paolo at ngayon nga ay magkakaroon na ito ng launching movie, ang Die Beautiful.

Pakiusap ng Destiny Rose star, “Huwag namang pagkumparahin kasi idol ko si Kuya Paolo, ka-text ko ‘yan, e.

“Magkaibigan kami ni Kuya Pao, actually sobrang bait niya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Nung ginagawa ko yung Destiny Rose, nagti-text siya sa akin kung ano mga techniques na dapat kong gawin.

“Siya yung nagsasabi sa akin, “Alam mo ba kung papano magpagawa ng boobs? May alam ako.

“‘Alam mo ba kung anong makeup ang dapat mong gamitin? Anong wig?

“‘Lahat may alam ako, lahat kung wala ka, papahiramin kita.’

“May mga ganun siyang sinasabi sa akin.

“Sobrang naa-appreciate ko po kasi tinutulungan niya ako.

“Hindi siya yung artistang nakikipag-compete, hindi ganun si Kuya Paolo.

“Kung alam niya na may taong darating na katulad niya, isi-share niya yung mga natutunan niya, yung knowledge niya about doon.

“And si Paolo Ballesteros na ‘yan, hawak na niya yung trono na yun, sa kanya yun.

“Ako, humiram lang ako ng konti sa kanya and sobrang na-appreciate ko yung mga tulong niya sa akin.”

Sunod na mapapanood si Ken sa Enteng Kabisote 10, na balak isali sa 2016 Metro Manila Film Festival.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ken Chan bows to Paolo Ballesteros, a huge supporter when he was doing Destiny Rose. He relates, "Nung ginagawa ko yung Destiny Rose, nagti-text siya sa akin kung ano mga techniques na dapat kong gawin. Si Paolo Ballesteros na 'yan, hawak na niya yung trono na yun… humiram lang ako ng konti sa kanya and sobrang na-appreciate ko yung mga tulong niya sa akin."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results