Maging si Miss Universe 2015 Pia Alonzo-Wurtzbach ay hindi naiwasang mapahanga sa kagandahan ng Kapamilya actress na si Angel Locsin.
Nitong Linggo, September 18, ipinost ng hairstylist na si Nante Alingasa ang picture ni Angel sa kanyang Instagram account.
Si Nante ang nag-ayos ng buhok ni Angel para sa pictorial ng upcoming movie nitong The Third Party, kasama sina Sam Milby at Zanjoe Marudo.
Sa comments section, nag-post ng comment si Pia ng kanyang paghanga sa ganda ni Angel, na tinag pa niya.
“Ang ganda mo sobra [heart emoji],” sabi ng beauty queen.

Samantala, may mga netizen na nakapansin sa komento ni Pia, at sa pamamagitan ng comments sa Instagram ay naiparating ito kay Angel.
Ikinatuwa naman ito ng Kapamilya actress.
Reaksiyon ni Angel, “OMG!!!#queepia”

