Nilinaw ni Senator Francis “Kiko” Pangilinan ang pagkakabanggit ng pangalan ng kanyang asawa na si Sharon Cuneta sa mga celebrity na nag-perform diumano sa loob ng New Bilibid Prison (NBP).
Isa si Sharon sa mga celebrity na pinangalanan ng inmate na si Rodolfo Magleo na nag-perform daw sa loob ng national penitentiary, kaya tila naging “Little Las Vegas” ito.
Si Magleo ay isa sa mga witness ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II na humarap sa pagdinig ng House of Representatives ngayong araw, September 20, tungkol sa paglaganap ng droga sa loob ng NBP noong administrasyon ni dating Pangulong Noynoy Aquino.
Si Magleo ay dating anti-narcotics police na convicted sa kasong kidnapping noong 2004.
Sa statement na nailathala sa kanyang website, kikopangilinan.com, inamin ng senador na minsang nang nag-perform si Sharon sa loob ng Maximum Security Compound sa Muntinlupa.
Subalit nilinaw ng senador na ito ay para sa isang episode ng dating programa ng Megastar sa TV5, ang Sharon: Kasama Mo, Kapatid.
Ito ay may kaugnayan din sa outreach program ng Rock Ed Philippines.
Pahayag ni Sen. Pangilinan, “On July 10, 2012, Sharon went to the New Bilibid Prison for the taping of her talk show, 'Kasama Mo Kapatid,' which had an episode featuring the life of inmates.
“She sang four songs for the closing portion, which is the customary format of the show.
“She sang 'Maging Sino Ka Man,' 'Tubig at Langis,' 'Kahit Konting Pagtingin,' and 'Kahit Maputi Na ang Buhok Ko' but only to support RockEd’s outreach program for prisoners.”
Ganito rin ang sinabi ni RockEd founder Gang Badoy sa kanyang Twitter account kanina.
Dagdag pa niya, ang pagpe-perform ni Sharon sa loob ng NBP ay walang bayad.
We were the ones who arranged for @sharon_cuneta12 to perform inside prison as outreach. Not the MochaGirls tho nor Freddie. @CrissyBaluyut https://t.co/iDt7LFLl7D
— Gang Badoy Capati (@gangbadoy) September 20, 2016
.@KimIndar @kimicojuangco @sharon_cuneta12 @CrissyBaluyut It came out in her then talk show. Sharon was so kind & generous to the inmates.
— Gang Badoy Capati (@gangbadoy) September 20, 2016
. @charievilla @raissawriter @sharon_cuneta12 Yes for free. We arrange them. Rock Ed did for 9 yrs. Lots of bands have played inside w/ us.
— Gang Badoy Capati (@gangbadoy) September 20, 2016
Bukod kay Sharon, nabanggit din ni Magleo ang pangalan ng music icon na si Freddie Aguilar, ang komedyanang si Ethel Booba, at ang all-female group na Mocha Girls na kinabibilangan ni Mocha Uson.
Magleo: Famous celebrities performed in Bilibid, including Freddie Aguilar, Sharon Cuneta, Mocha Girls, Ethel Booba | @eimorpsantos
— CNN Philippines (@cnnphilippines) September 20, 2016
Sa pamamagitan ng Twitter, idinaan ni Ethel Booba sa biro ang kanyang reaksiyon tungkol sa pagkakabanggit ng pangalan niya.
Hoy @rihanna ikaw ata yung nagconcert sa Bilibid. Namumukaan kita. Charot!
— Ethel Booba (@IamEthylGabison) September 20, 2016
Sa mga nagtatanong if nagperform ako sa New Bilibid Prison ang sagot po ay nasa loob ng #Charotism book. Bili po kayo para masagot. Charot!
— Ethel Booba (@IamEthylGabison) September 20, 2016
Ang dami nagtweet sabi magsalita na daw ako. Hello, HEARING po yan not SPEAKING. Makinig nalang tayo. Charot! #CongressHearing
— Ethel Booba (@IamEthylGabison) September 20, 2016